• TirahanPaano mag-renta ng matitirahan sa Japan

Dapat nating malaman na may sistema ang Japan tungkol sa mga kasunduan sap ag-renta ng bahay.

Sa pangkalahatang pamamaraan ng paghahanap ng bahay ay ang pagtatanong sa

ahente ng real estate, o pagtipon ng mga impormasyon ng mga pabahay.

Maging ang mga hapon ay nahihirapan na makakita ng bahay na naaayon sa

gustong bahay, at kinakailangan ang sapat na salapi.

Mga punto sa pagpili ng tirahan

  • Pagtatakda ng budget
    Ang bayad sa renta ay buwanan. Makabubuti na 25-30% ng buwanang kita ang ilaang halaga sa magiging renta. Subali’t, tandaan na 4-6 na buwan na halaga ng renta ang kakailanganin sa paunang bayad (kakailanganing halaga sa pakikipag-kontrata).
    Ang karaniwang bayad sa serbisyo ay ang, bayad sa pamamahala ng mansion o
    apartment, mga singil sa kuryente na ginagamit ng lahat, at singil para sa paglilinis. May mga lugar na kasama na sa buwanang renta ang singil sa mga ito at may mga lugar din na ito ay bukod.
  • Mga uri ng kuwarto
    1Tatami…ay ang sukat ng 1 Tatami(mga 1.65㎡)
    kung kaya’t ang 6 na Tatami ay may sukat na halos 10㎡.
    Halimbawa, kung2LDK ang naka-display na bahay
    Ang numero ay ang bilang ng kuwarto,
    L ay living room 
    D ay dining room 
    K ay kitchen
    Ang bawat kumbinasyon ay kumakatawan sa disenyo ng bahay.
  • Area
    Ang pinaka-popular na lugar at malapit sa estasyon ng tren ay mataas ang halaga ng renta. Kung itutuon sa mga maginhawang lugar ay mahihirapan na makakuha ng bahay, subali’t kung iibahin ng bahagya ang linya ng railway ay may mga lugar na m ababa ang halaga ng renta. Kumunsulta sa ahente ng real estate.
    Layo sa estasyon ng tren, kung tumitigil ang Express Train sa estasyon
    May mga supermarket, convenience store, playground, school, ospital at iba pa sa paligid

※ Ang haba ng pagtira ay masyadong maikli (1 taon o wala pa), Kung ang petsa ng paglipat ay masyadong malayo pa, maaari kang tanggihan ng may pabahay.

Tungkol sa kontrata

  • Guarantor
    Kung uupa ng kuwarto sa Japan ay kinakailangan ng isang guarantor na Hapon na may tiyak na kita.Kung hindi mo binayaran ang upa sa tamang oras, o kung nasira mo ang kuwarto ngunit hindi ka nagbayad para sa pagpapa ayos, maaaring singilin ng may ari ng bahay sa iyong guarantor. Ang ibig sabihin, ang iyong guarantor ay obligadong bayaran ang utang na nasa iyong pangalan. Kalimitan, kahit na kapwa Hapon ay hindi tumatanggap ng guarantor, maliban sa kapamilya o kamag-anak.
    Kung hindi ka makahanap ng guarantor, ay makabubuting kumunsulta sa guarantor
    agency
  • Deposito
    Ito ay pera na itinatago para ilaan sa sandaling magkaroon ng problema, tulad ng pinsalang nagawa sa kuwarto ng nangungupahan.
    Kapag lumipat ng bahay, matatanggap ang refund matapos na maiawas ang mga
    gastos sa pag aayos ng kuwarto at paglilinis.
  • Key money o gantimpala
    Ito ay ang perang binabayaran sa may ari ng bahay bilang pasasalamat sa paglipat mo. Maaaring magkakaiba ang tawag dito depende sa lugar. Ang perang ito ay hindi na ibabalik. Nitong mga bandang huli ay umarami ang bilang ng mga paupahang bahay na hindi na nangangailangan ng Deposito o key money, subali’t may mga pagkakataon na ikaw ay maaaring obligaduhin na sumali sa insurance.
  • Bayad sa brokerage
    Halagang binayaran sa real estate company na nagpakilala ng bahay. Karaniwan ay 1 buwang renta na binabayaran sa pagtatapos na maayos ang kontrata o kasunduan.

  • Paunang renta
    Bilang isang pangkalahatang panuntunan, ang renta ay dapat bayaran nang maaga. Sa oras ng kontrata ay babayaran mo ang renta para sa unang buwan ng pagtira.Kung ang petsa ng simula ng paglipat ay nasa kalagitnaan ng buwan, maaari kang singilin ng halaga simula sa araw ng paglipat kasama ang renta ng susunod na buwan.
  • Mga gastos sa pagpapalit ng susi
    Sa ilang mga kaso, maaaring hindi ito singilin, o maaaring nasa paghuhusga ng nangungupahan, ngunit sa ilang mga kaso, ang susi ay maaaring sapilitang palitan upang maiwasan ang mga problemang krimen na dulot ng nakaraang nangupahan na gumawa ng duplika ng susi. I-check ito ng mas maaga.
  • Insurance sa Sunog
    Kalimitan ay kinakailangang sumali ang mga nangungupahan. Ang kalimitang halaga ay 15,000-30,000 yen, na binabayaran sa oras ng kontrata.

Mga bagay na dapat kumpirmahin sa kontrata

  • Mga ipinagbabawal, Mga Espesyal na Probisyon
    Depende sa may-ari ang mga kondisyon tungkol sa mga pag-aalaga ng hayop, pagtatapon ng basura, pagtugtog ng instrument, renobasyon ng kuwarto, pagtira ng tao bukod sa mga nangungupahan. Maaaring magkaroon ka ng problema sa iyong mga kapitbahay kung susunod sa mga patakaran.
  • Mga kasangkapan sa bahay
    Walang kasangkapan ang mga paupahang bahay sa Japan. Kung may aircon, gas stove at iba pa ay alamin nang maaga kung kasama na ito sa bahay ( kung nais itong palitan, kailangang humingi ng pahintulot sa may ari) o kung ito ay iniwan ng datig nangungupahan. Upang matiyak kung ang mga dadalahing kasangkapan ay magkakasya sa kuwartong uupahan, magandang magdala ng tape measure kapag tiningnan ang kuwarto.

  • Renewal Fee
    Sa Japan ay kailangang magbayad ng renewal fee kapag nag-renew ng kontrata. Karaniwang nire-renew ito tuwing 2 taon at karaniwan ay renta ng 1 buwan, ngunit depende ito sa may-ari ng bahay.
  • Pagpapanumbalik sa orihinal na estado sa oras ng paglipat at Refund ng Deposito
    Ang mga detalye ng pagpapanumbalik sa orihinal na estado sa oras ng paglipat ay nag-iiba depende sa kumpanya ng real estate, at maaari itong maging sanhi ng roblema. Ang gastos ng pagpapanumbalik sa orihinal na estado at ang bayad sa paglilinis ay ibabawas mula sa deposito, kaya mag-ingat na huwag manigarilyo sa loob ng bahay, gumawa ng butas sa mga dinding gamit ang mga turnilyo o thumbtacks, paggalos sa sahig, o pabayaang marumi. Kung may mga bahagi na nasira bago lumipat, ipagbigay-alam ng maaga sa kumpanya ng real estate o sa may-ari.

Site na madaling malaman ang mga impormasyon tungkol sa pag-renta ng bahay sa Japan

Welcome Chintai

Batay sa data na magagamit simula noong Oktubre 2016. Mangyaring tandan na maaaring magkaroon ng bagong sistema o maaaring magbago ang sistema pagkalipas nito. Mangyaring tandan na ang mga naka-link na website ay pinatatakbo sa ilalim ng responsibilidad ng mga tagalikha, at ang Kobe City ay hindi mananagot para sa mga nilalaman.