TransportasyonPagmamaneho
1 Upang makapagmaneho ng sasakyan sa Japan
Upang makapagmaneho ng sasakyan sa Japan, ay kinakailangan ang isa sa mga lisensya sa pagmamaneho na nakatala sa ibaba.
- Lisensya ng Japan sa pagmamaneho
- Lisensyang pang-internasyonal na umaayon sa format na tinutukoy sa Geneva Convention on Road Traffic Law
- Tiyak na lisensya sa pagmamaneho ng mga dayuhan (Swistzerland, Germany, France, Belgium, Taiwan, Principality of Monaco)
subalit kinakailangan ang traslasyon sa Nihongo ng internasyonal na lisensya sa pagmamaneho.
Ang translasyon sa Nihongo ay kinakailangang ipinagawa sa embahada, konsolado o kaya ay sa JAF (Japan Automobile Federation). Sa kaso ng Taiwan, posible ring lumikha ng isang kopya ng “Asian Association”. Kung kinakailangang humiling sa JAF ay makipag-ugnayan sa Hyogo Chapter (078-871-7561) (may bayad ito).
2 Panahon na maaaring magmaneho sa Japan
Sa loob ng panahon ng validity ng lisensya
Ang lisensya sa pagmamaneho sa Japan
Ang internasyonal na lisensya sa pagmamaneho ay mayroong isang taon simula ng dumating sa Japan o mas maigsing panahon
Internasyonal na lisensya sa pagmamaneho
“Petsa ng Paglapag” para sa rehistrasyon ng mga dayuhan
Kahit na naka-rehistro at may tirahan sa Japan, marami ang hindi kumukuha ng lisensya sa pagmamaneho sa Japan at muling kumukuha ng internasyonal na lisensya sa saglitang pag-uwi sa kanilang bansa, at patuloy na nagmamaneho sa Japan. Karamihan sa mga ito ay, paulit-ulit ang naging paglabag sa batas pang-trapiko ng Japan atbp, at upang maiwasan ito ay nagtakda ng “Petsa ng Paglapag”.
May kalakip na dokumentong nakasalin sa Nihongo ang internasyonal na lisensya sa pagmamanaeho.
Nilalaman
Ang mga dayuhang lumabas ng Japan na naka-rehistro at may tirahan dito at bumalik sa loob ng 3 buwan, ay hindi ituturing ang petsa ng muling paglapag bilang pasimula ng panahon ng pagmamaneho gamit ang internasyonal na lisensya.
Kapag bumalik sa Japan sa loob ng 3 buwan
Kung ang dayuhang naka-rehistro at may tirahan sa Japan ay bumalik sa loob ng 3 buwan, ang “Petsa Ng Paglapag” ay hindi ituturing na simula ng panahon na maaaring makapag-maneho, kaya kahit na hindi pa natatapos ang panahon na nakasaad sa internasyonal na lisensya sa pagmamaneho ay hindi na maaaring magmaneho ng sasakyan sa Japan.
Sa kasong ito, kailangang palitan ng Lisensya ng Japan ang Internasyonal na lisensya sa pagmamaneho o kaya ay kumuha ng isang pagsubok upang makakuha ng lisensya ng Japan sa pagmamaneho.
3 Upang mapalitan ng Lisensya ng Japan sa Pagmamaneho ang Internasyonal na Lisensya
Ang lisensya sa pagmamaneho na ipinagkaloob ng ahensya ng adminstrasyon ng ibang bansa ay maaaring i-apply sa Driving Test Center. Gayunpaman, ang pagpapalit ay possible lamang sa first-class na lisensya. Magsama ng taga-pagsalin ng wika ang hindi marunong ng Nihongo para sa pag-a-apply. Kailangan ng 2 PIN (Personal Identification Numbers) (4 digits) para sa IC card na lisensya.
Lugar ng Pag-aaplayan
Akashi License Testing Center 1st Floor No.7 “Foreign License Examination Room”(1649-2 Niyama-cho Akashi City TEL: 078-912-1628)
Araw at Oras ng Pagtanggap
Lunes ~ Biyernes (maliban sa araw ng piyestang opisyal), 9:30 ~ 10:30Tandaan na, hanggat maaari ay gawin ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng 14:00 ~17:00
Mga bagay na kailangan sa pag-aaplay
(※Ang mga sumusunod na item ay mga pangunahing alituntunin at maaaring mangailangan ng mga karagdagang bayad sa oras ng screening.)
Ang mga nanatili sa bansa ng hindi bababa sa 3 buwan mula ng makuha ang lisensya (petsa ng promulgasyon) at hindi lampas sa panahon. (Hindi possible sa isang pang-internasyonal na lisensya lamang)
Kung maraming uri ng lisensya (tulad ng regular na lisensya, lisensya sa motorsiklo, atbp) ay kakailanganin ang dokumento na magpapatunay ng petsa ng bawat lisensyang hawak.
Internasyonal na lisensya sa pagmamaneho:
*Gawing saguinan ang ③ “Upang makapagmaneho ng sasakyan sa Japan”para sa mga nakatala sa itaas
Ang mga nabanggit na lisensya sa itaas ay kinakailangang may dokumento na nakasalin sa Nihongo:
Iyon ang lisensya na hawak ng may datihan ng lisensya ng Japan
Ang dating lisensya ng Japan:
Siguraduhin na magkaroon ng sariling permanenteng domicile (kahit na ang mga walang Japanese na nasyonalidad ay nangangailangan ng resident card na may nasyonalidad)
Resident Card:
Matapos makuha ang lisensya sa pagmamaneho ng dayuhan, dapat kumpirmahin na nanatili sa sariling bansa sa loob ng 3 buwan o higit pa. (Depende sa petsa ng pagkuha, kinakailangan ang lahat ng mga lumang pasaporte. Kung wala ang lumang pasaporte ay maaaring mangailangan ng sertipiko na nagpapakita ng mga nagging paglabas at pagpasok ng bansa.)
Pasaporte:
Depende ito sa uri ng lisensya na makukuha. Gayundin, sisingilin ng bayad sa pagbibigay ng lisensya kapag nakapasa.
Komisyon:
1 larawan na kuha sa loob ng 6 na buwan (sukat: 3cm ang haba x 2.4cm ang lawak. Walang sombrero, walang kulay ang background, front up at hanggang dibdib ang taas ng kuha)
Larawan para sa lisensya:
Ballpen na itim ang tinta, seal
Iba pa:
Nilalaman ng pagsusulit
・Mga tanong, pagsuri ng dokumento, pagsubok sa kakayahan, pagsuri ng kaalaman, pagsuri ng kasanayan・Sa pagsusuri ng dokumento ay mangangailangan ng panibagong dokumento kapag may hindi malinaw sa ipinasang dokumento.,Maaari itong hindi tanggapin.
・Sa pagsusuri kaalaman ay maaaring pumili ng wika tulad ng Ingles, Intsik, Espanyol, Portoguese, Korean, Persian, Tagalog, Thailand, o Russian. Sa JAF ay mayroong 5 bersyon ng wika (Ingles, Intsik, Espanyol, Portoguese, Korean) ng “Pagtuturo ng Trapiko” na ibinebenta ng 1,404 yen (kasama na ang tax, bukod ang bayad sa pagpapadala sa koreo.
・Sa pagsusuri sa kasanayan ay magbibigay ng petsa, sa ibang araw isasagawa ang pagsusuri.
Nababatay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Oktubre, 2016.
Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibagong sistema, at mga pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito.