Paninirahan・Pag-uwiResidence Card
Ang mga aplikasyon para sa mga mid-term at long-term na residente ay nasa Immigration Bureau (Osaka Immigration Bureau Kobe Branch: TEL:078-391-6377), at ang special residence ay mangyaring mag-apply sa seksyon ng ward office o sangay.
Kung makakapunta ang mismong tao dahil may karamdaman (kinakailangan ng sertipikong medikal o kapangyarihan ng abogado), kung ang edad ng tao ay 16 na taon pababa, ay kinakailangan na isang miyembro ng pamilya ang mag-asikaso ng dokumento.
Pagpapa-rehistro maliban sa tirahan
Kapag may nabago sa “Pangalan”, “Kapanganakan”, “Kasarian”, “Nasyonalidad ∙ Lugar” ng mga dayuhang naka-rehistro sa Kobe ay kinakailangang ipagbigay-alam at ipatala sa loob ng 14 na araw.
Ang mga aplikasyon para sa mga mid-term at long-term na residente ay nasa Immigration Bureau (Osaka Immigration Bureau Kobe Branch: TEL:078-391-6377), at ang special residence ay mangyaring mag-apply sa seksyon ng ward office o sangay.
(Mga bagay na kailangan)
- Kasalukuyang hawak na Residence Card o kaya ay Special Permanent Residence Certificate
- Pasaporte (o kaya ay Certificate of Resident Status)
- ③ ID picture (hindi kailangan kung ang edad ay 16 na taon pababa. 4cm x 3cm, walang sombrero, walang kulay ang background, at kuha sa loob ng 3 buwan)
- Dokumentong magpapatunay na may nabago sa nakasulat ng card
※ Magtanong sa lugar na pag-aaplyan.
Pagpapalit ng mga Card
Kung ang Residence Card ay lubhang nadumihan, o kaya ay napunit, mangyaring mag-apply para sa muling pagbibigay.
(Mga bagay na kailangan)
- Napunit o nadumihang ResidenceCard, o kaya ay Special Permanent Residence Certificate
- Pasaporte
- ID picture (hindi kailangan kung ang edad ay 16 na taon pababa. 4cm x 3cm, walang sombrero, walang kulay ang background, at kuha sa loob ng 3 buwan)
Muling pagbibigay ng Card
Kung nawala o nanakaw ang mga Residence Card ay kinakailangang mag-apply para sa muling pagbibigay sa loob ng 14 na araw simula sa araw na mapansin ang pagkawala nito, at kung sa ibang bansa ito naiwala o nanakaw ay mag-apply sa loob ng 14 na araw simula na muling pagbalik sa Japan.
(Mga bagay na kailangan)
- Kung nawala o nanakaw, ay kumuha ng “Lost Report Reciept Certificate” o “Theft Report Reciept Certificate” sa himpilan ng pulis. At kung nawala dahil sa sunog, kumuha ng “Fire Certificate” sa himpilan ng bumbero.
- Pasaporte
- ID picture (hindi kailangan kung ang edad ay 16 na taon pababa. 4cm x 3cm, walang sombrero, walang kulay ang background, at kuha sa loob ng 3 buwan)
Pagpapalit ng Card
Ang iyong kasalukuyang Alien Registration Certificate ay isasaalang-alang bilang “Special Permanent Resident Certificate” o “Resident Card” sa panahon ng nasa Table 1 sa ibaba.
Ang mga taong nag-renew ng status (VISA) sa loob ng panahon na nakasaad sa Table 1 sa ibaba ay mapapalitan ng Residence Card. Subali’t, ang iba ay mangyaring mag-apply ng sariling Residence Card bago matapos ang panahon na nakasaad sa Table 1.
(Mga bagay na kailangan)
- Alien Registration Certificate na ituturing na wastong Status of Residence
- 2. Pasaporte o Certificate of Eligibility
- ID picture (hindi kailangan kung ang edad ay 16 na taon pababa. 4cm x 3cm, walang sombrero, walang kulay ang background, at kuha sa loob ng 3 buwan)
Table 1 (Panahon ng Pagpapalit)
Panahon kung saan isinasaalang-alang ang Special Permanent Resident Certificate | ||
---|---|---|
16 na taon ang edad pababa | 16 ang edad pagdating ng kaarawan | |
Higit sa 16 na taon ang edad | Susunod na kumpirmasyon (pagpapalit) ng aplikasyon ng mga darating bago ang Hulyo 8, 2015 | Hanggang sa Hulyo 8, 2015 |
Mga tao bukod sa nakatala sa itaas | Susunod na kumpirmasyon (pagpapalit) ng aplikasyon bago sumapit ang kaarawan | |
Panahon kung saan isinasaalang-alang ang Resident Card | ||
Permanent Resident | 16 na taon ang edad pababa | Kung alin ang mauuna sa Hulyo 8, 2015 at ika-16 na kaarawan |
Higit sa 16 na taon ang edad | Hanggang sa Hulyo 8, 2015 | |
Special Activities ※Limitado sa mga asawa ng mga nanninirahan sa Japan para sa Specific Research Activity |
16 na taon ang edad pababa | Katapusang araw ng Period of Stay, Kung alin ang mauuna sa Hulyo 8, 2015 at ika-16 na kaarawan |
Higit sa 16 na taon ang edad | Kung alin ang mauuna sa katapusang araw ng Period of Stay at Hulyo 8, 2015 | |
Ibang Status of Residence ※Ang “Short-term Periods” o walang Status of Residence at hindi mga karapat-dapat ay hindi kasama sa pagpapalabas ng Resident Card. |
16 na taon ang edad pababa | Kung alin ang mauuna sa katapusang araw ng Period of Stay at ika-16 na kaaarawan |
Higit sa 16 na taon ang edad | Hanggang sa maubos ang Period of Stay |
Nababatay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Disyembre, 2012.
Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibagong sistema, at mga pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito