• Paninirahan・Pag-uwiResidence Card

Ang mga aplikasyon para sa mga mid-term at long-term na residente ay nasa Immigration Bureau (Osaka Immigration Bureau Kobe Branch: TEL:078-391-6377), at ang special residence ay mangyaring mag-apply sa seksyon ng ward office o sangay.

Kung makakapunta ang mismong tao dahil may karamdaman (kinakailangan ng sertipikong medikal o kapangyarihan ng abogado), kung ang edad ng tao ay 16 na taon pababa, ay kinakailangan na isang miyembro ng pamilya ang mag-asikaso ng dokumento. 

Pagpapa-rehistro maliban sa tirahan

Kapag may nabago sa “Pangalan”, “Kapanganakan”, “Kasarian”, “Nasyonalidad ∙ Lugar” ng mga dayuhang naka-rehistro sa Kobe ay kinakailangang ipagbigay-alam at ipatala sa loob ng 14 na araw.

Ang mga aplikasyon para sa mga mid-term at long-term na residente ay nasa Immigration Bureau (Osaka Immigration Bureau Kobe Branch: TEL:078-391-6377), at ang special residence ay mangyaring mag-apply sa seksyon ng ward office o sangay. 

(Mga bagay na kailangan)

  • Kasalukuyang hawak na Residence Card o kaya ay Special Permanent Residence Certificate
  • Pasaporte (o kaya ay Certificate of Resident Status)
  • ③ ID picture (hindi kailangan kung ang edad ay 16 na taon pababa. 4cm x 3cm, walang sombrero, walang kulay ang background, at kuha sa loob ng 3 buwan)
  • Dokumentong magpapatunay na may nabago sa nakasulat ng card

※ Magtanong sa lugar na pag-aaplyan. 

Pagpapalit ng mga Card

Kung ang Residence Card ay lubhang nadumihan, o kaya ay napunit, mangyaring mag-apply para sa muling pagbibigay. 

(Mga bagay na kailangan) 

  • Napunit o nadumihang ResidenceCard, o kaya ay Special Permanent Residence Certificate
  • Pasaporte
  • ID picture (hindi kailangan kung ang edad ay 16 na taon pababa. 4cm x 3cm, walang sombrero, walang kulay ang background, at kuha sa loob ng 3 buwan)

Muling pagbibigay ng Card

Kung nawala o nanakaw ang mga Residence Card ay kinakailangang mag-apply para sa muling pagbibigay sa loob ng 14 na araw simula sa araw na mapansin ang pagkawala nito, at kung sa ibang bansa ito naiwala o nanakaw ay mag-apply sa loob ng 14 na araw simula na muling pagbalik sa Japan.

(Mga bagay na kailangan)

  • Kung nawala o nanakaw, ay kumuha ng “Lost Report Reciept Certificate” o “Theft Report Reciept Certificate” sa himpilan ng pulis. At kung nawala dahil sa sunog, kumuha ng “Fire Certificate” sa himpilan ng bumbero.
  • Pasaporte
  • ID picture (hindi kailangan kung ang edad ay 16 na taon pababa. 4cm x 3cm, walang sombrero, walang kulay ang background, at kuha sa loob ng 3 buwan)

Pagpapalit ng Card

Ang iyong kasalukuyang Alien Registration Certificate ay isasaalang-alang bilang “Special Permanent Resident Certificate” o “Resident Card” sa panahon ng nasa Table 1 sa ibaba.

Ang mga taong nag-renew ng status (VISA) sa loob ng panahon na nakasaad sa Table 1 sa ibaba ay mapapalitan ng Residence Card. Subali’t, ang iba ay mangyaring mag-apply ng sariling Residence Card bago matapos ang panahon na nakasaad sa Table 1.
 
(Mga bagay na kailangan) 

  • Alien Registration Certificate na ituturing na wastong Status of Residence
  • 2. Pasaporte o Certificate of Eligibility
  • ID picture (hindi kailangan kung ang edad ay 16 na taon pababa. 4cm x 3cm, walang sombrero, walang kulay ang background, at kuha sa loob ng 3 buwan)

Table 1 (Panahon ng Pagpapalit)

Panahon kung saan isinasaalang-alang ang Special Permanent Resident Certificate
16 na taon ang edad pababa   16 ang edad pagdating ng kaarawan
Higit sa 16 na taon ang edad Susunod na kumpirmasyon (pagpapalit) ng aplikasyon ng mga darating bago ang Hulyo 8, 2015 Hanggang sa Hulyo 8, 2015
Mga tao bukod sa nakatala sa itaas Susunod na kumpirmasyon (pagpapalit) ng aplikasyon bago sumapit ang kaarawan
Panahon kung saan isinasaalang-alang ang Resident Card
Permanent Resident 16 na taon ang edad pababa Kung alin ang mauuna sa Hulyo 8, 2015 at ika-16 na kaarawan
Higit sa 16 na taon ang edad Hanggang sa Hulyo 8, 2015
Special Activities

※Limitado sa mga asawa ng mga nanninirahan sa Japan para sa Specific Research Activity
16 na taon ang edad pababa Katapusang araw ng Period of Stay, Kung alin ang mauuna sa Hulyo 8, 2015 at ika-16 na kaarawan
Higit sa 16 na taon ang edad Kung alin ang mauuna sa katapusang araw ng Period of Stay at Hulyo 8, 2015
Ibang Status of Residence

※Ang “Short-term Periods” o walang Status of Residence at hindi mga karapat-dapat ay hindi kasama sa pagpapalabas ng Resident Card.
16 na taon ang edad pababa Kung alin ang mauuna sa katapusang araw ng Period of Stay at ika-16 na kaaarawan
Higit sa 16 na taon ang edad Hanggang sa maubos ang Period of Stay

Nababatay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Disyembre, 2012.
Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibagong sistema, at mga pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito