Paninirahan・Pag-uwiChecklist sa pag-uwi sa bansa
Kung lalabas ng Japan ng mahabang panahon o kaya uuwi upang manatili na sa sariling bansa ay kinakailangan ng iba’t ibang proseso.
May mga bagay na matagal ang proseso kung kaya’t mangyari lamang na agahan ang pag-proseso.
Checklist
-
Pagbabalik ng Residence Card
- Renta sa bahay
- Proseso sa eskwelahan
- Bayad sa pampublikong kagamitan
- Kotse o kaya ay Motorsiklo
- 3 wheels ・ 4 wheels na sasakyan
- Moped・Maliliit na espesyal na sasakyan
- Registration Certificate ng Seal
- Pamamaraan sa pag-iwas sa dobleng buwis
- Pagbabayad ng buwis sa siyudad at prefecture
- Child Support
- Child Support Allowance
- Ang tulong na panggastos medikal para sa mga sanggol, tulong na panggastos medikal para sa mga may kapansanan, tulong na panggastos medikal para sa pamilyang Single Parent, tulong na panggastos medikal para sa matatanda
- Sukoyaka Handbook (Health Handbook)
- National Health Insurance
- Aplikasyon ng Lump-sum Withdrawal (National Pension/ Employees Pension)
Pagbabalik ng Residence Card
Maliban sa mga may re-entry permit ay, kailangang ibalik sa airport o seaport ang Residence Card. Maaaring patuloy na gamitin ang Residence Card ng mga lumabas ng Japan at nakabalik bago matapos ang panahon ng re-entry permit.
Gayundin, ang mga hindi nakabalik sa panahon na may mga re-entry permit ay mawawalan ng bias ang hawak na Residence Card kung kaya’t ibalik ito kapag nag-proseso ng muling pagbalik ng Japan.
Renta sa Bahay
Kung nais tapusin ang kontrata dahil lilipat ng tirahan o uuwi ng sariling bansa ay, sundin ang nakasaad sa kontrata at ipagbigay-alam kaagad sa may-ari ng bahay o sa trader na nagpakilala.。
Kapag hindi ipinagbigay-alam ang paglisan ay, babawasin sa Security Deposit ang renta sa bahay. Ang lilisan ay kailangang makipag-ugnayan sa may-ari ng bahay at sa trader na nagpakilala upang sama-samang tiyakin kung marumi at nasa tamang kaayusan ng bahay.
Proseso sa eskwelahan
- Mangyaring ipagbigay-alam sa Punong-guro ng eskwelahan ng magulang ng bata ang pag-uwi sa sariling bansa.
- Ang eskwelahan ay gagawa ng kakailanganing dokumento para sa aplikasyon ng Official Seal Verification. (①Certificate of Attendance ②Trancipt ③Curriculum Certificate ④Graduation Certificate
- Kukumpirmahin ng Ministry of Foreign Affairs ang Official Seal.
- Dapat ipadala ng magulang ang mga dokumento at ang mga nakatala sa ibaba sa konsulado para sa Signature verification.. (Signature Certificate Application Form, kopya ng Residence Card, fee)
Bayad sa pampublikong kagamitan (Tubig, kuryente, gas, telepono, NHK)
WEB
Ang batch procedure ng pagbabayad ng tubig, kuryente, gas, telepono (NTT), NHK ay maaaring gawin sa internet ng walang bayad.
Kung sa pamamagitan ng telepono
-
Proseso ng pagpapaputol ng tubig
Kobe City Waterworks Bureau Customer Reception Center 078-797-5555
Ang pagtanggap ng tawag sa telepono ay Lunes~Biyernes (maliban sa araw ng pistang opisyal): 9:00~17:15
Sa aplikasyon ay, mapadali kung sasabihin ang “Customer Number” na nakasulat sa “Notice of Water Used”. Kung hindi alam ang numero ay maaari ding mag-proseso kung ibibigay ang Address at pangalan ng taong naka-kontrata -
Ang pagpapaputol ng gas
Kobe City All Ward : Hyogo Living Sales Department Osaka Gas Customer Center 0120-7-94817
Ang pagtanggap ng tawag sa telepono ay (Lunes~Sabado)9:00~19:00 (Linggo at pistang opisyal)9:00~17:00
Sa aplikasyon ay, mapadali kung sasabihin ang “Customer Number” na nakasulat sa “Receipt” o “Invoice”. -
Ang mga gumagamit ng Propan Gas
Makipag-ugnayan sa tindahan ng LP Gas na kung saan naka-kontrata.
※ Sa maraming kaso, ang mga nagbebenta ay nakalista sa mga tangke ng Gas.
-
Ang pagpapaputol ng telepono
Internet:WEB
TEL:116 Cellphone/PHS : 0800-2000116
Oras ng pagtanggap ng tawag: 9:00~17:00 -
Ang pagpapaputol ng cellphone ay sa shop ng ginagamit na cellphone
-
Ang pagpo-proseso ng pagpapatigil ng bayad sa NHK
0120-151515 o kaya 0570-077077
9:00~22:00 / 9:00~20:00 kung Sabado/ Linggo/ Pistang Opisyal
Kotse o kaya ay Motorsiklo
-
Kung mayroong kotse (ordinaryong kotse) o kaya ay motorsiklo (Auto/ Light Vehicle), tapusin ang lahat ng mga proseso bago umuwi ng sariling bansa.
Napakahirap mag-proseso kung pagka-uwi pa sa sariling bansa ito gagawain.Para sa mga procedures ay tunghayan ang homepage ng Kobe Transport Supervision Department (notation lang). 〒658-0024 34-2 Uozakihamacho, Higashinada Ward, Kobe City
Kobe Transport Administration Department (Uozaki Government Building) Help Desk 050-5540-2066
3 wheels ・ 4 wheels na sasakyan kung mayroon
- Maaaring makipag-ugnayan: Light Vehicle Inspection Association Hyogo Office 050-3816-1847 (notation lang)
Moped・Maliliit na espesyal na sasakyan kung mayroon
- Maaaring makipag-ugnayan: Dalahin sa City Tax Office/Hokushin Branch Office at dalahin ang Number Plate, Rehistro, Seal, Pakakakilanlan (tulad ng Driver’s License, bagay na maaaring magpatunay ng tirahan at pangalan) at magproseso.
Registration Certificate ng Seal
- Ang rehistro ng Seal, maliban sa mga may re-entry permit ay mapapawalang-bisa kapag lumabas ng Japan. Hindi gaanong mahalaga ang proseso.
Pamamaraan sa pag-iwas sa dobleng buwis
Kung ang isang bansa ay mayroong “Tax Treaty”, at mapapatunayan na nabayaran ang buwis ng kinita sa Japan, ibabawas sa buwis na babayaran ang halaga ng buwis na binayaran sa Japan pagbalik sa sariling bansa. (Limitado para sa mga taong walang kita sa labas ng Japan.
Upang maiwasan ang dobleng pagbubuwis, Kailangan ng isang dokumento na nagpapatunay sa pagbabayad ng buwis sa Japan.
※Ang mga kinakailangang dokumento ay nag-iiba depende sa bansa, kaya mangyaring makipag-ugnayan sa kani-kaniyang bansa bago umuwi.
Foreign Tax Credit
Mangyaring mag-sumite ng form sa pagpapa-rehistro ng buwis, isang kopya ng pasaporte, isang sertipiko ng pagpapatala o dokumentong magpapatunay na ikaw ay isang estudyante o isang tagapagsanay sa negosyo sa pamamagitan ng kumpanya na nagbabayad ng suweldo, sa Tax Office o sa City Tax Office na malapit sa tinitirahan.
※ Tunghayan ang website ng Ministry of Finance para sa listahan ng mga bansang kasali sa “Tax Treaty”
Sa mga bansa na mayroong “Tax Treaty”, ang mga mag-aaral, tagapagsanay sa negosyo, propesor, atbp ay walang bayad sa ilang mga buwis. Hindi babayaran ang Tax sa kita at City Prefecture Tax.
Pagbabayad ng buwis sa siyudad at prefecture
-
Anuman ang nasyonalidad, ang buwis ay ipinapataw sa munisipalidad kung saan ang tirahan ay naroroon ng Enero 1. Ang buwis na ipinapataw sa kita ng nakaraang taon (Enero 1~Disyembre 31) at dapat bayaran kahit na lumipat ng tirahan o umuwi sa sariling bansa sa gitna ng taon.
Ang taong may address sa lungsod na iyon ay mangyaring magsumite ng ulat kasama na ang mga halaga ng kita sa City Tax Office na malapit sa tinitirahan tuwing Marso 15 ng taon. Gayunpaman, hindi na kailangan ng mga nagbabayad ng buwis na magsumite ng ulat ng pagbabayad ng buwis sa kita sa City Office o ng ng Tax Return ng nakaraang taon.
Sa pag-uwi sa sariling bansa ay siguruhin na may taong kapalit upang magbayad ng City Tax para sa iyo at ipagbigay-alam sa City Tax Office.
Maaaring makipag-ugnayan: City Hall Tax Planning Division : 078-647-9300
Pagbabayad ng buwis ng light vehicles
-
Sa Kasalukuyan tuwing Abril 1 ng bawat taon, ang buwis ay ipinapataw sa mga taong nagmamay-ari ng light vehicle. Ang light vehicles ay, maliit na kotse/maliit na motorsiklo/bisikleta/sasakyang may motor na dalawa ang gulong. Kinakailangan ang proseso kung itatapon ang sasakyan o nag-ba ang pangalan ng nagmamay-ari.
Maaaring makipag-ugnayan: City Office Tax Planning Division : 078-647-9399
Child Support
- Sa karagdagan sa kung ang batang sakop sa suporta ay umuwi sa sariling bansa, kinakailangan din na ipagbigay-alam ng magulang na tumatanggap ng suporta kahit ang magulang lamang ang uuwi. Dalahin ang seal sa seksyon ng Child Welfare ng Ward Office.
Child Support Allowance
- Kailangang ipagbigay-alam kung ang isang miyembro ng pamilya man ang lilipat ng tirahan, at kahit na ang buong pamilya ang lilipat ng tirahan. Dalahin ang seal sa seksyon ng Child Welfare ng Ward Office.
Ang tulong na panggastos medikal para sa mga sanggol, tulong na panggastos medikal para sa mga may kapansanan, tulong na panggastos medikal para sa pamilyang Single Parent, tulong
- Mangyaring ibalik ang Identification of Recipient sa care worker na nakatalaga sa Ward Office.
Sukoyaka Handbook (Health Handbook)
- Mangyaring ibalik ang Handbook sa care worker na nakatalaga sa Ward Office.
National Health Insurance
- Dalahin ang inyong insurance card/seal (kung mayroon)/ Alien Registration Certificate Resident Card sa National Health Insurance and National Pension Section ng Ward Office.
Aplikasyon ng Lump-sum Withdrawal (National Pension/ Employees Pension)
Kung ang isang dayuhan nan aka-seguro sa National Pension Insurance o kaya ay Employee’s Pension Insurance ay nakabalik ng sariling bansa ng hindi tumatanggap ng pension, maaari siyang tumanggap ng “lump-sum” sa Japan Pension Service Pension Office at pagka-alis niya ng Japan, magpasa ng kinakailangang mga dokumento. Bilang karagdagan, ang lump-sum ay mababayaran sa loob ng 2 taon sa pamamagitan ng diretsong pag-angkin sa Social Insurance Operations Center.
Ang mga taong nasasakop nito
Walang nasyonalidad ng Japan (hindi maaari ang dobleng nasyonalidad, maaaring mag-apply ng permanent visa)- Mahigit 6 na buwan nakapagbayad ng insurance
- Walang address sa Japan
- Hindi pa nagkaroon ng karapatan na tumanggap ng pension (kasama ang disability allowance)
Matatanggap na halaga ( Presyo nang taon 2009)
Ang taong may No.1 insured sa National Pension ay makakatanggap ng halagang nakatala sa ibaba depende sa panahon na nagbayad.
|
|
---|---|
Mahigit 6 na buwan hanggang 12 buwan | 43,980 yen |
Mahigit 12 buwan hanggang 18 buwan | 87,960 yen |
Mahigit 18 na buwan hanggang 24 buwan | 131,940 yen |
Mahigit 24 na buwan hanggang 30 buwan | 175,920 yen |
Mahigit 30 buwan hanggang 36 na buwan | 219,900 yen |
Mahigit 36 na buwan | 263,880 yen |
Ang mga taong naka-seguro sa Employee’s Pension Insurance ay maaaring makatanggap ng halaga na ini-multiply sa payment rate na nasa table na naka-depende sa panahon ng pagbabayad.
|
|
---|---|
Mahigit 6 na buwan hanggang 12 buwan | Average rate ng buwanang bayad×payment rate①0.4、②0.5 |
Mahigit 12 buwan hanggang 18 buwan | Average rate ng buwanang bayad×payment rate①0.9、②0.9 |
Mahigit 18 na buwan hanggang 24 buwan | Average rate ng buwanang bayad×payment rate①1.3、②1.4 |
Mahigit 24 na buwan hanggang 30 buwan | Average rate ng buwanang bayad×payment rate①1.8、②1.8 |
Mahigit 30 buwan hanggang 36 na buwan | Average rate ng buwanang bayad×payment rate①2.2、②2.3 |
Mahigit 36 na buwan | Average rate ng buwanang bayad×payment rate①2.7、②2.8 |
Payment rate
Isang buwan bago ang buwan na mawala ang kwalipikasyon ng naka-seguro sa Employee’s Pension Insurance, simula Septyembre 2008 hanggang Agosto 2009.- Isang buwan bago ang buwan na mawala ang kwalipikasyon ng naka-seguro sa Employee’s Pension Insurance, simula Setyembre 2009 hanggang Agosto 2010.
Mga dokumentong kinakailngan
- Pension Handbook
- Kopya ng pahina ng pasaporte na malalaman kung kailan lumabas ng Japan, Pangalan, Kapanganakan, Nasyonalidad, Signature, at Visa (may mga pagkakataon na hindi malinaw sa kopya ang itinatak na araw ng paglabas ng Japan sa pasaporte. Kung Malabo, gumawa ng kopya ng pasaporte na tinatakan ng araw ng pagdating sa sariling bansa sap ag-uwi)
- Pangalan ng banko, pangalan ng sangay ng banko, lugar ng sangay ng banko, numero bank account, at dokumento na magpapatunay na sa pangalan ng nag-aangkin naka-pangalan ang bank account.
Lugar na maaaring sumangguni pagka-uwi sa sariling bansa
〒168-8505 3-5-24 Takaido Nishi, Suginami-ku, Tokyo Japan Pension Service
TEL: 81-3-3335-0800(Nihongo lamang)
Kakailanganin ang numero sa Pension Handbook sa pag-sangguni.。
Maaaring makipag-ugnayan sa
- Mga kasali sa National Pension Insurance (No.1) → Pension Office
- Mga kasali sa National Pension Insurance, mga kasali pa rin o mga naging kasali sa Employee’s Pension Insurance → Pension Office
- Mga kasali sa Employee’s Pension Insurance → Kumpanyang pinag-trabahuhan
Contact number ng mga Pension Office
- Chuo Ward: Sannomiya Pension Office 078-332-5793
- Nagata Ward, Suma Ward, Tarumi Ward, Nishi Ward: Suma Pension Office 078-731-4797
- Higashinada Ward, Nada Ward: Higashinada Pension Office 078-811-8475
- Hyogo Ward, Kita Ward: Hyogo Pension Office 078-577-0294
- Ganundin sa, NENKINDial 0570-05-1165
Katayuan ng kasunduan sa Pension
Mga bansang kasali sa Pension Agreement sa Japan::
Germany, UK, Korea, USA, Belgium, France, Canada, Czech Republic, Australia, Netherlands, Spain, Ireland, Brazil, Switzerland, Hungary.
Mga bansang naghahanda (kilala):
Italy, India, Luxembourg
Sa ilang kaso ay maaaring makatanggap ng mga pension mula sa Japan ang mga kasosyo sa bansa, ngunit kung nakatanggap na ng lump-sum nang umuwi ng bansa, hindi na maaaring magbilang ng panahon.
Tungkol sa buwis sa kita
Ang Nationa Pension ay hindi kasali sa buwis, ngunit ang mga Welfare Pension ay napapailalim sa 20% buwis kapag binabayaran.
Ang mga refund sa buwis ay maaaring isampa sa tanggapan ng buwis, kaya bago umuwi sa sariling bansa ay isumite ang “Taxpayer’s Notification Form (makakakuha ng form sa Tax Office) sa Tax Office na may jurisdiction ng inyong address at pangalan ang nagbabayad ng buwis (residente sa Japan).
Makakatanggap ng isang liham ng withdrawal kasabay nito ang lump-sum money, ipadala ang orihinal na kopya sa nagbabayad ng buwis. Ang tax manager ang magpo-proseso para sa iyo.
Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong Tax Office para sa karagdagang impormasyon tungkol sa buwis sa kita.
Nababatay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Enero, 2016.
Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibagong sistema, at mga pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito.