• ProblemaMga isyu sa paggawa

Pagkatanggal sa Trabaho

Kapag biglang tinanggal sa trabaho... Kapag ang pribadong may-ari ng pinagta-trabahuhan ay hindi nagbayad ng suweldo... Kapag hindi nabayaran ang suweldo dahil sa pagkalugi ng kompanya...
Kung ang manggagawa ay tatanggalin sa trabaho ( hindi lamang ang mga regular na empleyado, kasama rin ang mga arubaito, part-timer at ang mga humigit sa 14 na araw ang pagta-trabaho) ay, patakaran na ipagbigay-alam ng may-ari ng kumpanya sa manggagawa ang gagawaing pagtanggal bago ang isang buwan, o kinakailangang bayaran ang manggagawa ng halagang kita sa 1 buwan ( ito ang tinatawag na Dismissal Notice Allowance). Singilin ng diretso sa kumpanya ang nauukol na kabayaran. Kung ayaw makipag-usap ng kumpanya ay, mabuting tuusin ang sweldong hindi nabayaran, na may pagpapatunay ng nilalaman at singilin ito. Kapag ayaw magbayad ay i-report sa Labor Standards Inspection Office. Dalahin ang Salary Slip, kopya ng time-card, working contract, Labor regulations at kahit na ano pa mang bagay na makakapag-patunay. Ganunpaman, mas makabubuti kung magiging maayos na negosasyon sa kumpanya.  Ang Advance Payment System ay sistema para sa sweldong hindi nabayaran, bilang kapalit ng kumpanya ay ang Worker Health and welfare Organization ang magbabayad ng hindi nabayarang suweldo sa taong nakapag-retiro ng hindi nagbayad na kumpanya sa kadahilanan ng bankruftcy nito. 80% ang maaaring mabayaran. Subali’t, may isang mataas na limitasyon sa saklaw ng 880,000~2,960,000 yen depende sa edad nang mag-retiro.

Makipag-ugnayan para sa maliliit na detalye

Sa mga kumpanyang nasasakupan ng

Nada Ward at Chuo Ward, Kobe City

Kobe East Directorate

Kobe Regional Joint Government Building 3F

29 Kaigan St., Chuo Ward, Kobe City  650-0024

TEL: 078-332-5353   

Sa mga kumpanyang nasasakupan ng

Hyogo Ward・Nagata Ward・ Suma Ward・Tarumi Ward・Kita Ward・Nishi Ward, Kobe City 

Kobe West Directorate

10-1-5 Mizuki St., Hyogo Ward, Kobe City  652-0802

TEL: 078-576-5353   

Sa mga kumpanyang nasasakupan ng

Higashinada Ward, Kobe City

Nishinomiya Directorate

Nishinomiya Regional Joint Government Building

7-35 Hamacho, Nishinomiya City   662-0942

TEL: 0798-26-3733 

Kung kinakailangan ang banyagang wika sa pag-sangguni

  • Hyogo Labor Bureau Supervision Division Foreign Worker Consultation Corner

    Kobe Crystal Tower 16F, 1-1-3 Higashi-kawasakicho, Chuo Ward, Kobe City 650-0044
    TEL: 078-367-9151 Suportadong wika: Intsik araw ng Martes at Miyerkules (AM9:00-PM5:00)

  • (Gamit) Hyogo International Exchange Association Information Center for Foreigners

    Kobe Crystal Tower 16F, 1-1-3 Higashi-kawasakicho, Chuo Ward, Kobe City 650-0044
    TEL: 078-382-2052 Suportadong wika: Ingles, Intsik, Espanyol, Portugese

Upang makatanggap ng Unemployment Insurance (Employment Insurance Unemployment Benefits) ay

Upang makatanggap ng unemployment allowance ay,

  • Kasali sa Employment Insurance
  • Nagbabalak na magtrabahong muli
  • Kinakailangang may 12 buwan (sa kaso ng pag-turnover ng empleyado dahil sa mga pangyayari sa kumpanya ay mahigit 6 na buwan sa loob ng 1 taon) na nakasali sa Employment Insurance sa loob ng 2 taon (kahit na magkaka-iba ang kumpanya)

na mga kasunduan ay kinakailangan. Makipag-ugnayan sa Hello Work para sa mas maliliit na impormasyon.

Kung hindi kasali sa Employment Insurance...

Maaaring ipag-utos ng Hello Work sa kumpanya na sumali sa Employment Insurance. Magtungo sa Hello Work na malapit sa iyong tirahan o sa malapit sa lugar ng kumpanya at isasagawa ang ‘ Paghiling para sa kompirmasyon ng Insured Qualification Acquisition’. Kung nakapag-retiro na, ay ilakip ang salary slip na magpapatunay na nagtrabaho sa kumpanyang iyon.

Para sa mas maliliit na impormasyon ay makipag-ugnayan sa

Hello Work Kobe / Kobe Foreign Employment Service Corner


WEB

1-3-1 Aioicho, Chuo Ward, Kobe City TEL: 078-362-4570
Sinusuportahang Wika : Intsik, Ingles, Espanyol, Portoguese, Vietnamese

Paraan ng paghahanap ng trabaho

Paraan ng paghahanap ng trabaho

Batay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Setyembre, 2016.
Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibago, at pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito.