• TagapagsalinSerbisyong pagbibigay ng tagapagsalin ng wika ng KICC

Pagbibigay ng libreng boluntaryong tagapagsalin ng wika para sa pagpo-proseso ng dokumento sa counter ng Ward Office sa Kobe city ng mga dayuhan.

  • Mga wikang maaaring isalin
    Ingles, Intsik, Koreano, Espanyol, Portuguese, Vietnamese, Filipino(Tagalog), Indonesia, Thailand, Nepali
  • Lugar na maaaring masamahan ng tagapagsalin ng wika
    Counter ng Ward at City Office o pampublikong pasilidad ng Kobe City
  • Araw at oras na maaaring mabigyan ng serbisyo
    Lunes~Biyernes (sarado sa mga opisyal na araw at 12/29~1/3)
    Sa pagitan ng 9:00~17:00 ay 2 oras lamang maaaring mabigyan ng serbisyo
  • Pag-aaplay
    Maaaring ipasa ang aplikasyon sa pamamagitan ng Fax, mail o kaya ay dalahin sa
    Kobe International Community Center (KICC)
  • Ang serbisyo ng taga-pagsalin ng wika ay
    Walang bayad

    ※ Mag-apply 7 araw bago ang araw ng kalian kakailanganin ang serbisyo ng tagapagsalin ng wika.
    ※ Dipende sa personal na schedule ng boluntaryong tagapagsalin ng wika, may mga pagkakataon na walang tagapagsalin na ma-ipadala.

Dapat maging maingat

  • 1. Sa mga pagkakataon na katulad ng mga sumusunod ay hindi maaaring mabigyan ng serbisyo ng tagapagsalin ng wika.
    Pagpapatingin sa ospital, pagsali sa event, paggabay sa pamamasyal, paglalahad para sa mga residente, suporta sa pag-aaral para sa pagsusuri sa paaralan at ang pagsasalin ng wikang pambatas sa husgado. Kumunsulta kung maaaring makatanggap ng serbisyo ng pagsasalin ng wika.
  • 2. Hindi maaaring magpasalin ng wika sa dokumento
  • 3. Hindi maaaring pumili ng boluntaryong tagapagsalin ng wika
  • 4. Ang mga boluntaryong tagapagsalin ng wika ay hindi mga dalubhasa.