• Counter Para Sa KonsultasyonKarahasan sa pamamahay at pamilya

DV-Domestic Violence (Karahasan sa pamamahay at pamilya)

1. DV

Ang DV ay karahasan na dinadanas mula sa asawa, kasintahan o malapit na kaanak. Karamihan sa mga biktima ay kababaihan.
Ang DV ay pag-kontrol sa kakayahan ng ka-partner, at ito ay isang uri ng karahasan. Mayroong iba’t ibang anyo ng karahasan.

  • Pisikal na karahasan . . . Panununtok, paninipa, panghihila at pag-ikot, pambabato ng mga bagay, atbp
  • Emosyonal na karahasan . . . Pagalit na pagsigaw, pambubulyaw, pananakot, hindi pagpansin, atbp
  • Sekswal na karahasan . . . Sapilitang pakikipagtalik, ayaw makipag-tulungan upang magka-anak, atbp
  • Pang-pinansyal na karahasan . . . Hindi pagbibigay ng pangastos na pang-araw-araw na buhay, hindi pagpayag upang makapag-trabaho, atbp
  • Panlipunang karahasan. . . Paghihigpit sa mga kilos, hindi pumapayag makipagkita sa mga kaibigan, at mga katulad ng pagtatago ng pasaporte.
  • ・Karahasang paggamit sa anak . . . Paglalayo sa anak, pananakit sa harapan ng mga anak, atbp
  • Hindi nakikipag-tulungan sa renewal ng bisa. Hindi inirerespeto ang tulad ng kultura・custom o lutuin sa kultura ng iyong bansa

2. Kapag Dumaranas ng Karahasan

Wala sa biktima ang dahilan ng karahasan. Kahit na ano pa man ang dahilan, ang gumawa ng karahasan ang may responsibilidad. Huwag problemahing mag-isa kung mayroong nararanasang ganito sa pagitan ng mag-asawa, sumangguni sa institusyon na espesyalidad dito. Kung nais na lumayo sa nanakit, mayroong sistema na magbibigay ng pansamantalang proteksyon at protection order.

☆Tungkol sa pag-petisyon ng paghingi ng protection order . . . Kautusan upang mabigyan ng proteksyon sa kapahamakan. Maaaring magpasa ng dokumento para mag-petisyon sa Court of Justice.

  • Pag-uutos ng bawal na paglapit . . . ipinag-uutos ang bawal na paglapit ng nananakit. May bisa ito ng 6 na buwan.

  • Pag-uutos ng bawal na paglapit sa anak at sa kapamilya . . . ipinag-uutos ang paglapit ng nananakit sa anak na kasamang naninirahan na wala pang edad na 20 taon, sa iyo at sa kapamilya. May bisa ito ng 6 na buwan.
  • Pag-uutos na umalis . . . ipinag-uutos ang pag-alis ng asawa sa bahay. May bisa ito ng 2 buwan.
    *Mapaparusahan kapag nilabag ng nananakit ang kautusan.
    *Kung natapos na ang bisa ng protection order at patuloy ang panganib, maaaring mag-petisyon muli para sa makakuha muli nito.
    *Upang makapag-petisyon na makakuha ng protection order ay kinakailangang unahing pumunta sa DV consultation Room para sa mga kababaihan (Kobe City Spousal Violence Support Center) o kaya naman ay dumiretso sa Life Safety Division ng Pulisya upang kumunsulta tungkol sa karahasang ginagawa ng asawa.

3. Counter para sa Konsultasyon ※ Tumawag sa No. 110 kung emergency

Pangalan Araw at Oras ng Konsulta Makipag-ugnayan
DV consultation Room para sa mga Kababaihan (Kobe City Spousal Violence Support Center)

Araw-araw (maliban sa 12/28~1/4)

9:00am ~ 5:00pm

TEL: 078-382-0037
WEB (in Japanese)
Hyogo Prefectural Women’s Family Center

Araw-araw 9:00am ~ 9:00pm

TEL: 078-732-7700
WEB (in Japanese)
NGO Kobe Foreigners Support Network

Biyernes 1:00pm~8:00pm

Ingles・Tagalog・Espanyol・Portoguese・Intsik
TEL: 078-232-1290
WEB (in Japanese)
Women’s Network Kobe

Lunes・Miyerkules・Biyernes

10:00am ~ 4:00pm 
TEL: 078-731-0324
WEB (in Japanese)
Hyogo Prefectural Police Stalker・DV Consultation 24 oras TEL: 078-371-7830
WEB (in Japanese)

Ward Office Children’s Family Support Division

  Lunes ~Biyernes 8:45am ~ 5:30pm

東灘 Higashinada TEL: 078-841-4131
灘 Nada  TEL: 078-843-7001
中央 Nada TEL: 078-335-7511
兵庫 Hyogo TEL: 078-511-2111
北 Kita  TEL: 078-593-1111

北神 Hokushin

TEL: 078-981-1748
長田 Nagata TEL: 078-579-2311
須磨 Suma TEL: 078-731-4341
北須磨支所 Kitasuma Branch TEL: 078-793-1313
垂水 Tarumi TEL: 078-708-5151
西 Nishi TEL: 078-940-9501

Bukod dito, ang pinakamalapit sa tinitirahan na Life Safety Division ng Pulisya o kaya naman ay kahit saang Protection and Welfare Department ng Ward ay tumatanggap ng konsulta.

※ Tumawag sa No. 110 kung emergency

Batay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Abril, 2014.
Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibagong sistema, at mga pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito.