• ProblemaTrial Court

1 Preparasyon ng Japanese Court

  • Summary Court

    Mga kasong sibil na kung saan ang halagang sinisingil ay mas mababa sa tiyak na halaga, pangunahing responsable para sa mga kasong kriminal na sumasailalim sa Fine Research Institute.

    District Court

    Dito isinasagawa ang unang paglilitis, at ang ikalawang paglilitis ukol sa pag-apela sa naging hatol ng Summary Court. Nagsasagawa rin ng proseso para sa bankruptcy at sibil na rehabilitasyon.

  • Family Court

    Mga kasong pampamilya tulad ng hindi magkasundo na mag-asawa o magulang at anak, kung saan idinadaan sa pag-uusap(arbitration) o kaya ay humaharap sa taga-pamagitan, dito rin isasagawa ang paghahatol sa menor-de-edad na nakagawa ng paglabag.



  • High Court

    Humahawak ng mga iniaapelang kaso ng Summary Court, District Court at Family Court.。

    Supreme Court

    Ito ang pinakamataas na hukuman, at ito nagbibigay ng pinakahuling hatol.

※Ang mga dayuhan ay, pinapapanood ng video na nagpapaliwanag ng mga paraan ng pag-proseso, at pinadadalahan sa pamamagitan ng koreo ng mga dokumentong kinakailangan sa pag-proseso na nakasalin sa wika ng bansang kinakailangan.

2 Tungkol sa tagapagsalin ng wika sa korte

Sa korte ay tinatawag na « Hotei Tsuuyaku » (legal interpreter) ang tagapagsalin ng wika ng mga dayuhang may kasong dinidinig. Mayroong mga tagapagsalin ng wikang Ingles, Intsik, Koreano, Filipino(Tagalog), Portugese, Thailand, Espanyol, Vietnamese at iba pa. Naka-depende sa pagsasalin ng wika ng legal interpreter ang lahat na bibitawang salita ng hukom, taga-usig, naaakusahan at abogado, ginagarantiyahan ang mga karapatan ng dayuhang naakusahan, na makamit ang wastong pag-uusig sa pamamagitan ng pagtugon sa mga kani-kaniyang tungkulin.

3 Tungkol sa Labor Referee System

Kamakailan lamang, ay may mga problema tungkol sa mga trabahador na biglaang pagtanggal sa trabaho, at mga hindi nabayaran ang sweldo. Ngunit mahaba ang panahong ipaghihintay sa magiging hatol ng hukuman, at ang balakid na mahal ang magagastos. Dahil doon, simula noong Abril, 2006, ay nagkaroon ng implementasyon na Labor Referee System upang mabilis, angkop at epektibo ang pagsasa-ayos ng problema ng mga manggagawa.

  • Subukang isaayos batay sa napag-usapan sa loob ng itinakdang 3 araw na paglilitis.
  • Ang mga gastos sa pagre-reklamo ay kalahati lamang ng halaga ng normal na paglilitis

労働審判制度の手続きは次のようになっています。

Bilang karagdagan sa Labor Referee System, may mga pamamaraan ng korte para sa paglutas ng mga problema na may kaugnayan sa paggawa na nasa ibaba.

  • 1. Civil Action…pakikinggan ng hukom ang magkabilang panig, iimbestigahan ang mga ebidensya, at ayon sa naging hatol, pag-proseso sa paglutas ng problema.

  • 2. Civil Preservation (Temporary Disposal Order)…upang mapanatili ang katayuan ng manggagawa ayon sa nakasaad sa kontrata sa trabaho, emerhensiyang proseso para sa pansamantalang hakbang upang mapawalang-bisa ang pagpapa-alis sa trabaho sa pamamagitan ng paghingi ng pansamantalang kabayaran

  • 3. Civil Mediation…pamamaraan upang ma-resolba at maunawaan ang kontrobersiya sa pagitan ng magkabilang panig sa pamamagitan ng mediation committee.

    ito ay limitado sa mga hindi pagkakaunawaan sa pagbabayad ng salapi.、

  • 4. Demand for Payment…isang pamamaraan kung saan susuriin ng tagatala ng korte ang mga dokumento at ibabatay dito ang madaliang pagbabayad ng pera.

  • 5. Small Claims Lawsuit…espesyal na proseso sa paglalabas ng hatol ng hukom sa unang paglilitis lamang ( subali’t ito ay limitado lamang sa mga humihingi ng kabayaran na hindi tataas sa 600,000 yen.)

※Kung ang Labor Judge System man, o alin sa 5 nabanggit na paraan ng proseso ang pipiliin, kinakailangang unaawaing mabuti upang mapili kung alin ang nararapat na prosesong kailangang isagawa.

4 Japan Legal Support Center (Houterasu)

Ang “Houterasu” ay, pampublikong korporasyon na itinatag ng bansa, nagbibigay ng libreng impormasyon upang makatulong sa paglutas ng mga legal na problema.
Halimbawa ay, Legal na Sistema para sa paglutas ng problema, pagpapakilala sa desk ng dalubhasa sa serbisyo, maaari ding magtungo sa opisina ng Houterasu , makakakuha ng mga impormasyon sa pakikipanayam dito. Gayundin, maaaring kumunsulta ng libre tungkol sa mga isyu sa batas na pang-sibil, pampamilya, at pang-administrasyon. Upang maka-konsulta ng walang bayad ay kinakailangang matugunan ang mga kondisyon sa A~D na nakatala sa ibaba.
(Makipag-ugnayan sa Houterasu para sa iba pang detalye)

  • A. Mayroong permanenteng halaga ng kinikita
    Ang buwanang suweldo (take-home at kabilang ang bonus) ng indikasyon ay ang mga sumusunod.
    Single person / 2 magka-pamilya / 3 magkaka-pamilya / 4 na magkaka-pamilya
    Mababa sa 180,000 yen / mababa sa 251,000 yen / mababa sa 272,000 yen / mababa sa 299,000 yen
    (mababa sa 200,200yen) / (mababa sa 276,100yen) / (mababa sa 299,200yen) / (mababa sa 328,900yen)
    ※Ang nakapaloob sa ( ) ay sa malalaking siyudad na Tokyo at Osaka (Sa Hyogo Prefecture ay, Kobe City, Amagasaki City, Nishinomiya City, Ashiya City, Itami City, Takazuka City, Kawanishi City, Himeji City, Akashi City) ang pamantayan.
    ※Sa bawat karagdagang tao ay 30,000 yen (33,000 yen) ang mapapadagdag.
    ※Isasaalang-alang ang fixed na halaga kung may mga binabayarang upa sa bahay, loan sa bahay, medical na gastos, gastos sa edukasyon at iba pa.
    ※Sa prinsipyo, kung ang kabuuang halaga ng mga ari-arian tulad ng impok sa banko, insurance, at real estate (hindi kasama ang mga bahay at pinagtatalunang mga pag-aari) ay lumampas sa nakatalagang halaga, hindi maaaring pagkalooban ng tulong.
  • B. Kaso na hindi masasabing walang pag-asang Manalo.
  • C. Hindi maaaring matulungan kung nais lamang masiyahan o makapag-higanti, o kaya ay mapang-abuso ang demanda.
  • D. Patakaran ang pagiging legal na residente. (Maliban kung ipinaglalaban ang mismong katayuan.)

Kung ang legal na konsultasyon ay hindi makakatulong, o kung kailangan ng propesyonal na tulong para kumatawan sa mediation o negosasyon, maaaring ipakilala sa abogado o sa isang awtorisadong judicial scrivener. Gayundin, ang Houterasu muna ang magpapasan ng bayad dito. Bilang karagdagan, kung sarili mismo ang mag-aapila, ipapakilala sa isang abogado o isang judicial scrivener na siyang maghahanda ng mga dokumentong kailangan ipasa sa korte, at ang gagastusin dito ay kanilang papasanin.
Ang mga kondisyon na nakatala sa itaas na A. B. C. D. ay muling pag-aaralan matapos na maipasa ang mga kinakailangang dokumento. Ang ginastos na pinasan ng Houterasu ay ibabalik sa pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan buwan-buwan.

Makipag-ugnayan sa : Japan Legal Support Center (Houterasu)
Tel. No.:0570-078374 Lunes ~ Biyernes 9:00-21:00 Sabado 9:00-17:00
(May wikang Ingles. Subali’t hindi nagsasagawa ng konsultasyon sa batas)

5 Counter para sa konsultasyon na may kinalaman sa batas

Counter Address Telepono Mga wika Bayad sa Konsulta

Hyogo International Association

Information Center for Foreigners

Kobe Crystal Tower 6thF

1-1-3 Higashi Kawasaki-cho, Chuo Ward, Kobe City  650-0044

078-382-2052

Legal na konsultasyon

Lunes : 13:00-16:00

 (kailangan ang reserbasyon)
Ingles, Intsik, Espanyol, Portogese Walang bayad
Libreng Konsultasyon para sa mamamayan sa  Kobe City Municipal Office

Citizen Consultation Room

Kobe City Municipal Office Building1 3F,

6-5-1 Kanocho, Chuo Ward, Kobe City   650-8570

078-321-0033

Legal na konsultasyon

Lunes~Biyernes  13:00-16:00 (~15:00 ang pagtanggap)

Una at pang-3 Linggo ng buwan

(May pagbabago sa ilang bahagi. Makipag-ugnayan para sa araw ng konsultasyon.)  13:00-16:00 (Tumawag para sa reserbasyon)
Nihongo lamang Walang bayad

Hyogo

Bar Association General Law Center Kobe Consultation office (Hyogo Bar Association Branch)

Kobe Crystal Tower 13thF

1-1-3 Higashi Kawasaki-cho, Chuo Ward, Kobe City  650-0044

078-341-1717

Lunes~biyernes

9:30-Noon,

13:00-16:00

 (Kailangan ang reserbasyon)

Nihongo lamang

※Mayroon kaming listahan ng mga abogado na maaaring tumanggap ng konsultasyon sa wikang Ingles, German, Korean,at Intsik.

(Patakaran)

30 minuto bawat isang beses

5,250 yen

※Walang bayad ang unang konsultasyon sa maraming utang, at ang tungkol sa aksidente sa trapiko (mga usaping sibil) ay walang bayad lahat 

Batay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Septyembre, 2009.
Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibagong sistema, at mga pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito.