• ProblemaDiborsiyo

Proseso ng Diborsiyo sa Japan

  • 1. Diborsiyo sa pamamagitan ng pagkakasunduan
    Ang pinaka-simpleng paraan ng diborsiyo na napagka-sunduan ng mag-asawa na pumirma sa divorce paper at ipasa sa Ward Office Family Register.

  • 2. Diborsiyo sa pamamagitan ng taga-pamagitan (mediation)
    Ito ang paraan kung hindi magkasundo ang mag-asawa, idadaan ang pag-uusap sa harapan ng taga-pamagitan sa loob ng Family Court. Dahil sa may prinsipyo na may pag-asang mapagkasundo, hindi maaaring isagawa ng walang taga-pamagitan.

  • 3. Diborsyo sa pamamagitan ng arbitration
    Kapag hindi naging maayos ang pag-uusap sa harap ng taga-pamagitan, dito idadaan ang pag-uusap at ito ang pagbabasihan para mag-diborsiyo.

  • 4. Diborsiyo sa pamamagitan ng hatol ng hukom.
    Ito ang isang paraan ng diborsiyo kapag mag-asawang nais maghiwalay ay hindi naging maayos ang pag-uusap sa harapan ng taga-pamagitan. Mag-petisyon sa Family Court at ang hukom ang hahatol kung kinakailangang mag-diborsiyo.

    *Kung nagpasa ng Marriage Contract sa sariling bansa ay, kakailanganin din ang proseso para sa diborsiyo. Makipag-ugnayan sa Konsulado o sa Embahada para sa mga legal na patakaran ng sariling bansa.
    *Upang hindi makapagpasa ng Divorce Paper ng walang pahintulot ang asawa, ay magtungo sa Municipal Office (Family Registration Section) upang magpasa ng papel para sa Non-acceptance of Divorce. Subali’t hindi maaaring magpasa nito ang mag-asawang kapwa dayuhan.
    *Ipagbigay-alam sa Immigration Office sa loob ng dalawang linggo matapos ang diborsiyo.
    *Kung mag-aaruga ng anak na may nasyonalidad na hapon pagkatapos ng diborsiyo, ay maaaring mag-apply ng bisa bilang
    « teijusha » (resident).
    *Kahit na walang anak, may mga pagkakataon din na mabigyan ng Resident Visa depende sa tagal ng pinagsamahan bilang mag-asawa at sa sitwasyon.
    *Maging ang over-stay ay maaaring mabigyan ng « Special Residence Permit » na status of residence kung kasal sa hapon o kaya ay may espesyal na kadahilanan.
    *Kung kakailanganin ang abogado para sa pag-proseso ng mga dokumento ay kinakailangang magbayad ng attorney’s fee. Kung walang pambayad ay maaaring mag-apply sa Japan Legal Support Center (Houterasu) ng Civil Law Assistance, mayroong sistema na ang Houterasu muna ang ang magbabayad ng attorney’s fee, at ibabalik ang ibinayad sa pamamagitan ng buwanang hulugan.

Counter para Sa Konsultasyon

Pangalan Araw at Oras ng Konsulta Makipag-ugnayan sa

Japan Legal Support Center

 (Hoterasu)

Lunes ~ Biyernes   AM9 :00-PM9 :00

Sabado  AM9 :00 -PM5 :00

  (may wikang ingles)

(call center)  0570-074374

Asuteppu KOBE

 « Consultation Room para sa mga Kababaihan “

 (Nihongo)

Oras ng pagtanggap AM9 :00-PM5 :00

Oras ng interview PM1 :00-PM4 :00

(reserbasyon sa interview)

     078-361-8935

AM10 :00-PM12 :00 / PM1 :00-PM3 :00

(Martes~Sabado, maliban sa araw ng pistang opisyal)

(para lamang sa konsultasyon)

     078-361-8361

Batay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Hulyo, 2013.
Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibagong sistema, at mga pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito.