• WelfareLiving Assistance

Pampublikong Tulong Sa Pamumuhay (Seikatsu-hogo) Para Sa Mga Dayuhan

Sa Artikulo 1 ng Batas sa Pampublikong Tulong Sa Pamumuhay, nakasaad na ang bansa ay magbibigay ng kinakailangang tulong sa lahat nang mamamayan na mga nahihirapan sa pamumuhay, subalit ang batas na ito ay hindi nalalapat sa mga dayuhan.

Gayunpaman, ang mga dayuhang nahihirapan sa pamumuhay na pinapahintulutang manatili sa Japan gaya ng special permanent resident at iba pa, kapag may makataong kadahilanan, magbibigay ng abiso ang gobyerno na ang kaukulang batas sa pampublikong tulong ay magagamit kaparehas ng mamamayan ng bansa.

Sa lungsod namin, ang abisong ito ang pinagbabatayan, para sa pagpapatupad ng pampublikong tulong sa pamumuhay ng mga dayuhan.

Ano Ang Pampublikong Tulong Sa Pamumuhay (Seikatsu-hogo)

Ito ay sistema para maitaguyod ang pagsasarili na gobyerno ang maggagarantiya sa minimum na gastusin sa pamumuhay kung nagkakaproblema sa mga gastusin sa pamumuhay o mga gastusin sa pagpapagamot kapag hindi makapagtrabaho dahil sa matanda na o maysakit. Kung makakatanggap ba nang pampublikong tulong sa pamumuhay o hindi ay pinagpapasyahan sa pamamagitan ng paghahambing ng minimum na gastusin sa pamumuhay at kita nang buong sambahayan na kinakalkula sa tinutukoy ng gobyerno na pamantayan sa pampublikong tulong. Ang minimum na gastusin sa pamumuhay ay nag-iiba depende sa edad o bilang ng mga tao, kalagayan ng pamumuhay, at kita, na kung ang kita ay mababa sa minimum na gastusin sa pamumuhay, daragdagan ang kakulangan sa paraan ng pagbibigay ng pampublikong tulong.

Bilang karagdagan, ang mga maaaring magtrabaho ay magtrabaho ayon sa kanilang kakayahan, kinakailangang gamitin ang tulong mula sa kamag-anak at iba pa o pensiyon, allowance at iba pang sistema na ginagarantisaduhan ng kumpanya, lahat ng propyedad kabilang na ang mga naipon at iba pang makakatulong pansamantala sa pamumuhay.

Proseso Sa Pampublikong Tulong Sa Pamumuhay (Seikatsu-hogo)

Ang aplikasyon para sa pampublikong tulong ay sa opisina ng welfare ng munisipalidad ng tinitirhan ang tanggapan (Department sa Health at Welfare sa Munisipyo, Pangkat ng Sangay sa Health at Welfare/Munisipyo). May full-time na tagapanayam na tumutugon sa konsultasyon, kaya mangyaring kumunsulta lamang kung namomoroblema sa pamumuhay.

 

Higashinada Ward Office (Ministry of Health and Welfare) TEL: 078-841-4131
Nada Ward Office (Ministry of Health and Welfare) TEL: 078-843-7001
Chuo Ward Office (Ministry of Health and Welfare) TEL: 078-335-7511
Hyogo Ward Office (Ministry of Health and Welfare) TEL: 078-511-2111
Kita Ward Office (Ministry of Health and Welfare) TEL: 078-593-1111
Kitagami Ministry of Health and Welfare TEL: 078-981-5377
Nagata Ward Office (Ministry of Health and Welfare) TEL: 078-579-2311
Suma Ward Office (Ministry of Health and Welfare) TEL: 078-731-4341
Kitasuma Branch Office Ministry of Health and Welfare TEL: 078-793-1313
Tarumi Ward Office (Ministry of Health and Welfare) TEL: 078-708-5151
Nishi Ward Office (Ministry of Health and Welfare) TEL: 078-940-9501

Nababatay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Setyembre, 2022.
Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibagong sistema, at mga pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito.