• Suporta sa Iba't ibang Wika
    Suporta sa Iba't ibang Wika
  • Suporta sa Iba't ibang Wika

    Suporta sa Iba't ibang Wika

Ang Kobe International Community Center ay itinatag para sa layunin na maitaguyod ang promosyon sa pag-unawa sa mga iba’t-ibang lahi at mga kultura ng iba’t-ibang bansa na mga naninirahan sa lungsod upang maging madaling makapamuhay ang mga dayuhan. Nagbibigay kami ng mga impormasyon tungkol sa munisipalidad at sa pamumuhay na nakasalin sa iba’t-ibang wika, nagsisilbing one stop service para sa mga konsultasyon sa pamumuhay at nagbibigay ng iba’t-ibang serbisyo upang maisulong ang International Exchange. Hangad namin na makapagbigay ng serbisyo sa inyo.

1 Pagsasagawa ng konsultasyon at pagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa pamumuhay na nasa iba’ t ibang wika.

Ang KICC ay tumutulong sa dayuhang naninirahan sa siyudad ng Kobe sa pamamagitan ng iba't-ibang wika.
 

Tel : 078-742-8705
Oras : Mga regular na araw 10:00 - 12:00, 13:00 - 17:00 (simula 9:00 ang pagtawag sa telepono)
Mga nilalaman : Konsultasyon na may kinalaman sa pang-araw-araw na pamumuhay, mga impormasyon na may kinalaman sa munisipyo ng siyudad ng Kobe at pagbibigay ng mga  impormasyon na may kinalaman sa pamumuhay.

 

Mga skedyul ng pagtugon sa iba't-ibang wika

※Maaaring gamitin ang serbisyo ng paggamit ng tablet kapag wala ang tagasalin ng wika.

2 Pagkonsulta sa dalubhasa

Administratibong Scrivener ※Kailangan ng reserbasyon

  • Nilalaman

    Konsultasyon tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa imigrasyon, at sa mga proseso tungkol sa pagpapalit ng nasyonalidad.

  • Mga araw

     

    Tuwing ika-una at ika-3 Miyerkules ng buwan

     

  • Oras

    ①13:30〜14:30
    ②14:30〜15:30
    ③15:30〜16:30

Kawanian ng mga Serbisyo sa Imigrasyon ※Kailangan ng reserbasyon

  • Nilalaman

    Konsultasyon tungkol sa proseso sa imigrasyon, status ng residensya, atbp., at pangkalahatang paglalaan ng mga impormasyon.

  • Mga araw

     

    Tuwing ika-2 Biyernes ng buwan

     

  • Oras

    ①13:30〜14:30
    ②14:30〜15:30
    ③15:30〜16:30

3 Interpretasyon

Serbisyo na pagsasalin ng wika gamit ang telepono

  • Nilalaman

    Gumagamit ng telepono upang maka-usap ang taong nagpunta sa munisipyo na hindi sapat ang 
    kakayahan sa Nihongo.

  • Mga araw

     

    Tunghayan ang mga nakatala sa itaas
  • Oras

     

    9:00〜12:00
    13:00〜17:00

     

Serbisyong pagsama sa lugar ng tagapagsalin ng wika  ※Kailangan ng reserbasyon 

  • Nilalaman

    Pagbibigay ng libreng boluntaryong tagapagsalin ng wika para sa pagpo-proseso ng dokumento sa counter ng Ward Office sa Kobe city ng mga dayuhan.

  • Mga araw

     

    Tunghayan ang mga nakatala sa itaas
  • Oras

     

    Sa pagitan ng 9:00~17:00 ay hanggang 2 oras lamang maaaring mabigyan ng serbisyo

     

Makipag-ugnayan sa

Asta Kunizuka 1-Bankan, South Building 4F
5-3-1, Udezuka-cho, Nagata-ku, Kobe 653-0036
TEL: 078-742-8705
FAX: 078-691-5553

Si Kokko
ang mascot character ng KICC

KICCマスコットキャラクター カモメの「コッコ」

Ako si “Kokko”, isang seagull, ang mascot character ng KICC.  Kinuha sa unang panitig ng mga salitang Kobe・Kokusai・Koryu ang “Ko”, at ginawang pangalan ko. Ang ulo ko ay mundo, ang necktie ko ay Port Tower. Ikinagagalak ko kayong makilala !

Kaarawan
Mayo 29, nang itinatag ang Kobe International Community Center
Kasarian
Isang masayahin at kamangha-manghang batang babae
Hobby
Tumingin sa lungsod ng Kobe mula sa Port Tower Paminsan-minsan ay nanghuhuli ng isda Paglalakbay
 
Kakaibang galing
Naiguguhit ang mga watawat sa buong mundo
Pangarap
Maging master ng wika (?) nag-aaral sa kasalukuyan
Sa totoo lang…
Maaaring makalipad kung magsisikap