ProblemaAksidente sa Trapiko
1 Sa ganitong pagkakataon
・Ipagbigay-alam kaagad sa pulis (dial 110)
・Magpatingin sa doctor kahit na sa palagay ay maliit na sugat lamang.
・Tingnan ang lisensya at kilalaning mabuti ang naka-aksidente.
(Alamin ang pangalan at tirahan ng naka-aksidente at ng may-ari ng sasakyan, plate number ng sasakyan, ang petsa ng pagsali sa Insurance at ang pangalan ng Insurance Company)
・Mag-secure ng testigo (nakakita) at ebidensya ng sakuna. Alamin kung saan matatawagan ang testigo.
Kapag naging biktima ng aksidente
・Saklolohan ang biktima...bigyan ng pansamantalang lunas, tumawag ng ambulasya (dial 119)
・Ipagbigay-alam sa pulis (dial 110)
・Gumawa ng hakbang na maiwasan ang panganib→upang hindi na masundan ang aksidente, maglagay ng triangular display board, igabay ang ibang sasakyan.
・Tawagan ang Insurance Company (Kahit na anong insurance)
Kapag naka-aksidente
2 Uri ng Sakuna
Ito ay matutukoy depende sa kung ano ang meron at wala sa personal na ulat ng biktima.
Upang maiwasan ang problema, i-report kahit na maliit na pinsala lamang.
- Aksidente sa pagkasira ng pag-aari...kapag sasakyan o pag-aari ang nasira, o kagamitan ang napinsala. Ang naka-aksidente ay, mapapasa-ilalaim sa pananagutan sa sibil at parusa sa administrasyon.
- Aksidente...kapag nasugatan ang tao o nakapinsala ng tao. Ang nagkasala ang mapapailalim sa parusang kriminal (tulad ng kapabayaan sa pagmamaneho at may nasawing buhay dahil sa kapabayaan sa pagmamaneho) pati na rin aang pananagutan ng sibil at parusang administratibo.
3 Tungkol sa paghahabol para sa pinsala
Ang paghahabol para sa voluntary claim laban sa insurance company ay maaaring mabawasan batay sa naging kapabayaan (batayan ng bigat ng responsibilidad ng napinsala at naka-pinsala).
Bilang halimbawa sa pangunahing paghahabol sa pinsala.
- Gastusin sa pagpapagamot
- Nawalan dahil sa hindi pagpasok sa trabaho (pinsala na nagdaragadag ng kita kung kinailangang magpahinga sa trabaho para magpagamot)
- Konsolasyong salapi
- Gayundin, ang gastos sa pagpapa-ayos ng sasakyan
At ang iba ay, pinsala kapag nagkaroon ng after-effect.
4 Tungkol sa Insurance
-
Ang mga nagmamaneho ng sasakyan ay, kinkailangang sumali sa Liability Insurance. Kapag hindi kasali dito ay mapapailalim ito sa parusang kriminal at administratibo.
Hindi maaaring hindi sumali sa Liability Insurance (Compulsary Insurance). Sa kaso ng may namatay, ang babayarang pinsala ay 30 milyong yen o mahigit pa, at kung kapansanan ay hindi hihigit ng1.2 milyong yen ang babayaran, subalit may mga pagkakataon na humihigit pa dito ang halaga ng pagpapagamot. Hindi ang Liability Insurance, kundi maaari din na pag-isipang gamitin ang Worker’s Accident Insurance o kaya ay ang National Health Insurance. At hindi sakop nito ang pinsala sa kagamitan.
Ang opsyonal na insurance ay, insurance na may mga sakop na bahagi na hindi sakop ng Liability Insurance. Ang Liability Insurance ay sumasakop na sa pinaka-minimum na gastusin, kung kaya’t sumali sa insurance ang mga nagmamaneho.
*At, ang mga taong aplikado sa mga sumusunod ay tawagan.
・Sa oras na ang mga nagta-trabaho sa kumpanya (mga kasali sa insurance) ay, nagkaroon ng aksidente habang nagta-trabaho o kaya ay habang patungo sa lugar ng pinagta-trabahuhan … ay makipag-uganayan sa kumpanya upang mag-apply ng Worker’s Accident Insurance.
5 Sertipiko ng Aksidente sa Trapiko
Dokumento na nakatala ang ulat na ipinasa sa pulisya na nagsasaad ng petsa at oras ng pinangyarihan ng aksidente sa trapiko, tirahan at pangalan ng kapwa nasasangkot. Upang malaman ang mga tunay na kaganapan sa aksidente sa trapiko ay kinakailangang magpasa nito, maaari itong makuha sa Automobile Driving Center. (Hindi nakatala dito ang laki ng responsibilidad sa aksidente.)
<Paraan sa Pagkuha ng Sertipiko>
- Makakakuha ng aplikasyon sa estasyon ng pulis, police box, representative office, Automobile Driving Center Hyogo Prefectural Office.
- Ang pagpo-proseso ay maaaring sa gawin sa pamamagitan ng postal transfer sa post office na malapit sa tinitirahan, sa pag-direkta sa Automobile Driving Center Hyogo Prefectural Office, o sa website.る。
- Ipadadala sa koreo ang sertipiko
- Maaaring kumuha ng ilang kopya sa 1 beses na aplikasyon, 540 yen ang bawat kopya.
Makipag-ugnayan para sa mas maliliit na detalye sa Automobile Driving Center Hyogo Prefectural Office
(sa loob ng Prefectural Police Headquarters Government Building 5-4-1 Shimoyamatedori, Chuo Ward, Kobe City)
TEL: 078-351-7882~7884 (Nihongo)
Counter sa konsultasyon ng Aksidente sa Trapiko
TEL: 078-360-8521
Oras ng pagtugon : Konsulatsyon sa tagapayo Lunes, Martes, Huwebes, Biyernes/ 9:00~12:00, 13:00~16:00
(Kailangan ng reserbasyon)
Hyogo Prefecture Traffic Accident Consulatation (Nihongo lamang)
TEL: 078-341-1717
Oras ng pagtugon : Lunes~Biyernes/ 10:00~12:00, 13:00~16:00 (Kailangan ang reserbasyon)
(Gamit) JFBA Traffic Accident Consultation Center Kobe Consultation Office (Nihongo lamang)
TEL: 06-6227-0277
(Gamit) Traffic Accident Dispute Procesing Center Osaka Branch (Nihongo lamang)
Traffic Accident Dispute Procesing Center
Batay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Hulyo, 2013. Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibagong sistema, at mga pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito.