Pagpapakasal・PagdidiborsyoPagpapakasal・Pagdi-diborsyo
Kasal
Pagpapakasal sa Hapon
【Ang pag-aasawa ng Hapon ayon sa batas ng Japan】
Lugar ng pag-aabiso: Sa tanggapan ng ward office ng lugar kung saan nakatira ang tao o ang asawang hapon
Mga dokumento na kailangang ipasa: Rehistro ng kasal, Marriage Requirements Certificate at isang nakasalin sa nihongo, Family register ng asawang hapon, Sertipiko ng nasyonalidad o pasaporte at isang nakasalin sa nihongo, Residence Card.
※ Bagaman walang panahon ang pag-abiso, kikilalanin na legal ang pagiging mag-asawa sa araw na maipasa ang abiso.
【Pagpapakasal sa ibang bansa】
Mga dokumento na kailangang ipasa: Rehistro ng kasal, sertipiko ng kasal sa ibang bansa at isang nakasalin sa nihongo, Family register ng asawang hapon
Kasal ng kapwa dayuhan
【Pag-aasawa sa batas ng Japan】
Lugar ng pag-a-abiso: Sa tanggapan ng ward office ng lugar kung saan nakatira ang tao o ang asawang hapon
Mga dokumento na kailangang ipasa: Rehistro ng kasal, Certificate of Marriage Requirements at mga nakasalin sa nihongo, Sertipiko ng nasyonalidad o pasaporte at isang nakasalin sa nihongo, Residence Card.
Pakikipag-diborsyo sa asawang Hapon
Lugar ng pag-a-abiso: Sa tanggapan ng ward office ng lugar kung saan nakatira ang tao o ang asawang hapon, kung saang ward office naroroon ang Family Registration ng asawang Hapon
Mga dokumento na kailangang ipasa:Notipikasyon ng diborsyo at kopya ng Family Register ng asawang Hapon, Sertipiko ng nasyonalidad o pasaporte at isang nakasalin sa nihongo, Residence Card.
※ Bagaman walang panahon ang pag-abiso, kikilalanin na legal ang pagkawala ng bisa bilang mag-asawa sa araw na maipasa ang abiso.
Nababatay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Hulyo, 2013.
Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibagong sistema, at mga pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito.