WelfareNursing Insurance
Tungkol sa sistema sa insurance para sa pangmatagalang pangangalaga
1. Mga kasali sa Insurance para sa pangmatagalang pangangalaga
Naninirahan sa Kobe City na may edad na 40~64 na taong gulang (No.2 insured) na kasali sa medical insurance ( tulad ng Health Insurance, National Health Insurance). Ang insurance premium ay tinutukoy sa pamamagitan ng paraan ng pagkalkula ng pampublikong medical insurance na iyong kinasasalihan.- Ang mga nasa edad 65 at mahigit (No.1 insured). Ang insurance premium ay depende sa kinakaltas sa may katawan o sa kapamilya ( 15 bahagdan ng karaniwang halaga × 0.4 beses ~ 2.5 beses), ay babayaran sa pamamagitan ng pag-awas sa pension o fund transfer.
2. Paggamit ng mga serbisyo sa pag-aalaga
[Nangangailangan ng pag-aalaga] hindi na nakakabangon at demensya, pang-araw-arw na Gawain tulad ng paliligo, pagbabawas, pagkain, at iba pa.
[Kinakailangan ng suporta] Hindi kailangan ang palaging pangangalaga, kung kailangan ng tulong sa pang-araw-araw na buhay tulad ng gawaing bahay o pisikal na aktibidad.
Mayroon 7 kategorya ng akreditasyon, at ang mga serbisyong magagamit ay nakasalalay sa kategorya.
※ 7 kategorya…Kailangan ng suporta 1, Kailangan ng suporta 2, Kailangan ng pag-aalaga 1, Kailangan ng pag-aalaga 2, Kailangan ng pag-aalaga 3, Kailangan ng pag-aalaga 4, Kailangan ng pag-aalaga 5
Upang makagamit ng serbisyo ng insurance para sa pang-matagalang pangangalaga, mag-sumite muna ng aplikasyon, at kapag napatunayan na “Kailangan ang pangangalaga at suporta” ay maaaring makagamit ng serbisyo.
※ Specified Diseases…may total na 16 na uri ng specified diseases, tulad ng in-term cancer, rheumatoid arthritis, osteoporosis na may bali, cerebrovascular disease tulad ng cerebral infarction, at demensya sa matatanda.
Para sa mga nasa pagitan ng edad na 40 at 64, maaaring gamitin ang serbisyong ito kung kinakailangan ng pangangalaga o suporta dahil sa mga sakit na nauugnay sa pagtanda (specified diseases) katulad ng stroke, demensya o in-term cancer.
3. Pamamaraan mula sa aplikasyon hanggang sa sertipikasyon
Aplikasyon para sa sertipikasyon para sa pangmatagalang pangangalaga: Maginhawang humingi ng tulong para sa aplikasyon at pamamaraan sa “Egawo no Madoguchi” o sa “Anshin Sukoyaka Center”.↓
Pag-iimbestiga para sa sertipikasyon: Ang mga imbestigador na inatasan ng lungsod ay dadalaw sa mga tahanan o sa ospital at magsasagawa ng mga panayam na may 74 item, na karaniwang ginagawa sa lahat ng parte ng bansa, tulad ng mga pisikal na kondisyon, katayuan sa pamilya, at kapaligiran ng bahay.- Paggamit ng serbisyo sa pangangalaga: Humiling sa “Egawo no Madoguchi” o “Anshin Sukoyaka Center” ng isang plano sa pangangalaga, paggamit ng serbisyo at magpareserba.
4. Counter para sa konsultasyon
-
Pangkalahatang konsultasyon (Mga serbisyo sa pangangalaga, adbokasiya, demensya, pang-aabuso ng matatanda)
⇒ magtungo sa Anshin Sukoyaka Center
-
Konsultasyon tungkol sa sertipikasyon para sa pang-matagalang pangangalaga
⇒ Ward Office sa tanggapan ng Anshin Sukoyaka
-
Konsultasyon sa paglabag sa mga Karapatan at pagkabalisa tungkol sa pamamahala ng mga ari-arian para sa mga matatandang may demnesya
⇒ Kobe Anshin Support Center TEL: 078-271-3740
-
Konsultasyon tungkol sa bahay kabilang ang relokasyon ng matatanda
⇒ Kobe City Home Security Support Center “Smile Net” TEL: 078-647-9900 -
Konsultasyon sa pinsala sa consumer sa mga matatanda
⇒ Kobe Living Information Center TEL: 078-371-1221 -
Konsultasyon sa mga serbisyo sa pangangalaga
⇒ Nursing Care Service Complaint Consultation Counter TEL: 078-332-5617
5. Kobe Nursing Care Insurance Communication and Support Business
Kung ikaw ay isang dayuhan na nakatira sa Kobe at nahihirapang makipag-usap sa wikang Nihongo, magpapadala kami ng isang “taga-suporta sa komunikasyon” na magbibigay ng mga tagapagsalin ng wika at iba pang tulong kapag naghahanda para sa survey ng sertipikasyon ng pangangalaga o paghahanda ng plano para sa pangangalaga.
Bilang karagdagan gumawa din kami ng mga leaflet para sa insurance sa pangangalaga na nakasalin sa maraming wika.
Walang bayad na papasanin. Ang Kobe City ang magbabayad nito.- Kung nais gamitin ang serbisyo, magsumite ng isang aplikasyon sa isang samahan ng suporta o kaya ay sa Kobe City. Bukod sa may katawan, ang aplikasyon ay maaaring gawin gawin ng mga miyembro ng pamilya, mga care-manager, o mga samahan ng suporta.
Wika na maaaring suportahan | Leaflet sa insurance para sa pangangalaga | Organisasyong sumusuporta |
---|---|---|
Korean | ○ | Organisasyong sumusuporta TEL: 078-612-2402 |
Intsik | ○ | Kobe Settlement Aalien Support Center TEL: 078-612-2402 (special) Multilingual Center FACIL TEL: 078-736-3040 |
Portuguese | ○ | Community of Brazilian in Kansai TEL: 078-222-5350 |
Vietnamese | ○ | Vietnam Yume KOBE TEL: 078-736-2987 |
Ingles | ○ | Organisasyong sumusuporta TEL: 078-612-2402 |
Para sa mga particular na impormasyon, mangyaring sumangguni sa Health and Welfare Division Anshin Sukoyaka.
Nababatay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Nobyembre, 2022.
Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibagong sistema, at mga pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito.