Paglilipat・Pag-transferBagong pagpasok sa Japan
Proseso ng bagong pagpasok sa Japan
Pagpapa-rehistro bilang maninirahan
Panahon ng pag-sumite ng notipikasyon
Sa loob ng 14 na araw mula sa petsa ng pagpasok sa Japan at matukoy ang addressLugar kung saan isusumite ang notipikasyon
Sa Ward Office o Citizen’s Division ng Branch Office na sumasakop sa titirahanMga bagay na kailangan
- “Pasaporte” ng lahat ng lilipat ng tirahan sa siyudad
- “Residence Card (hindi kailangan kung hindi nabigyaan sa airport, atbp)” o kaya ay “Special Permanent Residence Certificate” ng mga lilipat ng tirahan sa Kobe City
na nakasalin sa nihongo at may pangalan at lagda ng nagsalin ng wika.
Kung pumunta sa Japan o magpaparehistro bilang isang residente kung saan nakatira ang pamilya, kakailanganin ng sertipiko na inilabas ng ahensyang pampubliko sa sariling bansa na siyang nagpapatunay ng iyong relasyon sa pamilya (relasyon), (Family Matters Certificate, Marriage Certificate, Birth Certificate)
-
Ang mga dayuhan na maaaring itala sa residence certificate ay ang mga special permanetnt residents, ang mga mid-to-long-term residents at ang mga naninirahan sa Japan ng mahigit sa 3 buwan at maaaring magkaroon ng Residence Card.
- Sa Prinsipyo, ang proseso ay dapat isagawa ng may katawan sa tanggapan ng Citizen’s Division ng Branch Office o Ward Office na sumasakop sa tinitirahan, kung ang may tawan ay hindi makakapunta o kaya ay nasa edad na mas mababa sa 16 na taong gulang, kinakailangang samahan ng kapamilya na higit sa 16 na taon ang edad at siya ang mag-proseso bilang kapalit. Mangyaring siguraduhin na dalahin ang Special Permanent Residence Certificate o ang Residence Card kapag magpo-proseso.
※ Kung ang abiso ay naantala, kinakailangang magsulat ng salaysay ng dahilan at ito at ipadadala sa Brief Court. Tatawagan ka ng korte upang tanungin, at may pagkakataon na ikaw ay pagbayarin ng hanggang 50,000 yen.
Proseso sa pagpapalit ng address ng tirahan
Nababatay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Disyembre, 2012.
Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibagong sistema, at mga pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito.