Klase sa Nihongo para sa Unang Baitang

Ang programang ito ay Klase sa Pag-aaral ng Nihongo na kinakailangan sa pamumuhay na ituturo ng mga bihasa sa Pagtuturo ng Nihongo.

circled_icon.png Gastos sa pag-aaral

Walang bayad(¥0)

circled_icon2.png​​​​​​​ Antas ng Nihongo  

A. Panimula   Narito ang “Irodori Panimula” na aklat na gagamitin    
・・・Mga taong hindi nakakapagsalita ng Nihongo.
Nakakabasa ng Hiragana at Katakana

B. Unang Baitang 1    Narito ang “Irodori Unang Baitang 1” na textbook na gagamitin  
・・・Nasasabi ang mga nais gawain at ang mga bagay na nagawa na, at may kakayahang makapagtanong.Nakatapos sa pag-aaral ng Panimula (A).

C. Unang Baitang-2    Narito ang “Irodori Unang Baitang-2” na textbook na gagamitin  
・・・May kakayahang makapagsabi ng tungkol sa siyudad na tinitirahan, at may kakayahang makahingi ng payo kung may suliranin.
Nakatapos sa pag-aaral ng Panimula (B).

D.Unang Baitang na Intermidiate
・・・Nakatapos sa pag-aaral ng Panimula (A~C).
   Hihilingin na bumili ng textbook na “Marugoto Unang Baitang na Intermidiate”.
 Narito ang pagpapakilala sa textbook na “Marugoto Unang Baitang na Intermidiate” na textbook na gagamitin.

 

Panandaliang Klase
Pagbasa at Pagsulat
・・・Para sa mga nais madagdagan ang kakayahan sa antas na JLPT-N4、N5.

※Magkakaroon muna ng mga pagsusulit para sa mga antas Unang Baitang 1、2(B,C)at Unang Baitang na Intermidiate(D).
 Patakaran na hindi makakapag-aral ang mga hindi kumuha ng pagsusulit para sa antas.
Base sa magiging resulta ng pagsusulit, ay may pagkakataon na mailipat ng klase.
※Kung mataas ang antas ng kaalaman sa Nihongo, ay maaaring makansela ang aplikasyon.
※Ang aplikasyon ay isang klase lamang sa bawat isang tao.
※Hindi maaaring pagsabayin ang aplikasyon sa ibang klase.

circled_icon3.png Target

①    Mga nasa edad na 15 taong gulang at pataas.  Hindi kabilang ang mga Junuor High School
②    Mas bibigyan ng pagkakataon ang mga naninirahan sa siyudad ng Kobe
③    Hindi kabilang ang mga may bisa na short-term
④    Ang mga taong palaging makakapasok sa klase

​​​​Ang mga nakapasok sa klase ng 25 o higit pang mga beses (mga 70%) ay makakatanggap ng sertipiko ng pagkumpleto (hindi kasama ang mga panandaliang klase).
Maaaring isama ang anak

※Kung ang kasamang anak sa klase ay nag-iingay, nagtatatakbo sa palibot at nakakasagabal sa pag-aaral ng iba, ay may pagkakataon na palabasin ng silid-aralan.

 

circled_icon4.png Lugar・Panahon

Ang apat na lugar na paggaganapan ay nasa ibaba. Mangyaring tunghayan ang kalendaryo sa ibaba para sa panahon.

Mangyaring punan ang form sa ibaba para sa aplikasyon

Online

Lugar

Online

Ang mga detalye tulad ng URL ay ipagbibigay-alam pagkatapos ng aplikasyon

KICC Sannomiya Nihongo Plaza

Lugar

KICC Sannomiya Nihongo Plaza

6-1-12, Goko-dori, Chuo-ku, Kobe

Sannomiya Bldg East 5F (Tunghayan sa Google Map)(Tunghayan sa Google Map)

KICC Mikage Nihongo Plaza

Lugar

KICC Mikage Nihongo Plaza

6-15-22, Mikage-Honmachi, Higashinada-ku, Kobe

Sa loob ng Mikage Market “Shisuikan” (Tunghayan sa Google Map)”(Tunghayan sa Google Map)

KICC Shin-Nagata

Lugar

KICC Shin-Nagata

5-3-1, Udezuka-cho, Nagata-ku, Kobe

Asta Kunizuka 1st Building, South Bldg. 1F (Tunghayan sa Google Map)(Tunghayan sa Google Map)