Proyekto para sa Suporta sa Pag-aaral ng Nihongo

1. Tungkol sa programa

  • Ang KICC ay sumusuporta upang maging madali ang pamumuhay ng dayuhan dito sa Kobe, at ng pagkakaroon ng pakikisalamuha ng mga Hapon at mga dayuhan sa isa’t-isa. Ang layunin ng programang ito ay, mapag-aralan at maunawaan ang Nihongo at kultura ng Japan kasama ang KICC supporters (volunteers).

2. Gastos

  • Walang bayad ang pag-aaral ng Nihongo

3. Mga patakaraan sa aplikasyon

  • Mga dayuhang nasyonalidad na naninirahan sa Kobe City na may edad na 15 taong gulang at pataas (hindi kabilang ang Junior High School)
    Gayundin, ang mga anak ng nagbalik-bayan at naturalized na nangangailangan ng pag-aaral ng Nihongo at may nasyonalidad na Hapon.
    ※Ang mga nasa edad na 18 taong gulang at pababa ay kinakailangan ng pahintulot ng magulang (kapamilya o Host Family) sa aplikasyon. Mangyaring tiyakin na isulat sa application form ang pangalan at numero ng telepono ng magulang sa patlang para sa emergency contact.
  • Maipagpapatuloy ang pag-aaral na 1 beses sa isang linggo, sa loob ng 6 na buwan.
  • Makakasunod sa mga patakaran ng KICC, may interes sap ag-aaral at may kusa na matuto.
    ※May mga pagkakataon na walang makukuhang supporter kahit na nakapag-apply.

4. Aplikasyon

  • Dalahin ang Registration Card.(Ang mga kasalukuyang nagpapa-rehistro pa lamang ay mangyaring magpatala pagkatanggap ng Registration Card.)
  • Mangyaring magtungo sa tanggapan ng KICC sa Shin-Nagata 4th Floor sa mga araw ng Lunes~Biyernes, sa pagitan ng mga oras ng 10:00 ~12:00, 13:00 ~17:00.
  • Ikaw ay kakapanayamin ng staff pagkatapos mong sulatan ang application form.

5. Pag-aaral

  • Ang pag-aaral ay isasagawa mo at ng supporter sa pamamagitan ng 1 on 1
  • Ang pag-aaral ay 2 oras sa loob ng isang lingo at tatagal ng 6 na buwan.
  • Ang pagsisimula ng mga pag-aaral ay 4 na beses sa loob ng isang taon.
    Abril(Septyembre ang pagtatapos )/Hulyo(Disyembre ang pagtatapos)/Oktubre(Marso ang pagtatapos)/Enero(Hunyo ang pagtatapos)
  • Ang araw at oras ng pag-aaral(oras ng simula ng pag-aaral)ay nakatala sa ibaba. Isasagawa sa parehong lugar, araw at oras.
    〔Shin-Nagata〕
    Lunes: 10:00/12:00/14:00/16:00/18:00
    Martes: 10:00/12:00/14:00/-----/18:00
    Miyerkules: -----/------/-----/-----/18:00
    Biyernes: 10:00/12:00/14:00/16:00/18:00
    〔Sannomiya〕
    Martes: 10:00/12:00/14:00/16:00/18:00
    Huwebes:10:00/12:00/14:00/16:00/18:00
    Sabado: 10:00/12:00/14:00/16:00
  • Ang pag-aaralan ay ikukunsulta sa supporter bago italaga.
  • Maaaring muling mag-apply upang makapag-aral kung makatapos ng 6 na buwan. Subali’t, sa KICC ay hindi nagtatalaga ng supporter na naging guro na ng mag-aaral.
  • Hindi makakapag-aral ng mga bagay na pang-dalubhasa.

6. KICC Suppoter

  • Ang KICC supporter ayisang boluntaryo na susuporta sa iyong pag-aaral.
  • Hindi ka maaaring pumili ng supporter.

7. Tungkol sa indibidwal na impormasyon

  • Ang mga naitalang indibidwal na impormasyon ay hindi gagamitin sa ibang hangarin.
  • May mga pagkakataon na magpadala ang KICC ng e-mail na iyong isinulat sa record form.
  • Sa panahon ng paghahanap ng iyong magiging supporter ay ilalagay ang mga impormasyon tungkol sa iyo sa Website na ang supporter lamang ang maaaring makakita. Hindi ilalagay ang mga personal na impormasyon kagaya ng pangalan, Tirahan, numero ng telepono at e-mail address.

Makipag-ugnayan sa

Shin-Nagata Office

〒653-0036 5-3-1 Udezuka-cho, Nagata-ku, Kobe-shi, Asuta Kunizuka, 1st Building South 4F
TEL: 078-742-8705
Oras ng tanggapan:Regular na araw 10:00-12:00、13:00-17:00
(maliban kung Sabado・Linggo・Pista Opisyal・pagtatapos at panimula ng taon)